kathden

Muling nagpakilig sa KathDen fans ang mga photos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na pinagpipiyestahan nitong Biyernes sa X.

Kuha ang photos sa despedida party ng dentistang kuya ni Kathryn na si Dr. Kevin Bernardo, hipag na si Dr. Shannen, at pamangkin na si Keanan.

Intimate salo-salo lang iyon with family amd close friends na ginanap sa mansyon ng mga Bernardo.

Siyempre kilig-kiligan ang KathDen fans dahil spotted nga sa family event ng aktres ang Kapuso actor.

Sa ibang bansa na kasi base ang pamilya ng nakakatandang kapatid ng aktres at umuwi lang sa Pilipinas para sa ilang buwan na bakasyon.

Komento nga ng ilang KathDen fans, mukhang at home na at home na raw si Richard Faulkerson, Jr. sa pamilya at mga kaibigan ng mga Bernardo.

Sobrang close nga raw ni Alden sa pamilya ni Kathryn, ha!

Napansin din ng followers ng dalawa ang balbas sa makinis na mukha ng aktor. Obvious daw na pinaghahandaan na raw nito ang role niya sa part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’ bilang si Ethan del Rosario.

Eh ia-announce na rin daw kasi ng Star Cinema at GMA Pictures ang collab nila para sa pelikula a Alden at Kathryn, ha!

Mukhang umaapaw ang ayuda ng KathDen this week, ha. Bongga! (Ogie Rodriguez)