Naglabas na ng pahayag ang social media personality na si Zeinab Harake, matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa ginawa niyang komento sa viral ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ video ng Unkabogable Star at It’s Showtime na si Vice Ganda.

 

Humingi na ng paumanhin si Zeinab Harake sa mga na-offend sa naging komento niya sa video ni Vice Ganda na inupload kamakailang sa mga social media platforms patungkol sa mga social issues ng bansa na ipinapakita nito sa kanyang Piliin Mo Ang Pilipinas challenge.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, inilahad ni Zeinab Harake ang kanyang apology letter sa lahat ng mga taong na-offend sa komentong iniwan niya sa viral video ni Vice Ganda.

Matatandaan na marami ang tumaas ang kilay ng mabasa ng nakakarami ang komento ni Zeinab Harake sa viral video ni Vice Ganda na, ‘Laroooooooooo hahaha love you’.

Ayon sa maraming mga netizens na hindi ‘laro’ ang inihahatid na mensahe ni Vice Ganda na makikita sa kanyang ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ challenge.

Pinangaralan pa ng marami si Zeinab Harake na ang ipinupunto ng video ni Vice Ganda ay ang mabuksan ang mga diskusyon patungkol sa mga isyung kinakaharap ngayon ng bansa na nararapat na mabigyang pansin.

Samantala, narito ang buong pahayag ni Zeinab Harake para humingi ng tawad sa mga netizens na naoffend niya.

“Sa mga na offend ko sa comment ko kay Meme Vice, I am really sorry na amaze lang talaga ako ng sobra sa pagiging witty niya sa pag gawa ng content dahil napasok niya ang social issues in which we all should be aware of.

“I really do love her and I will always support her no matter what.

“Nagkausap na din kami ni Meme Vice about this. Let’s all support Meme Vice and let’s continue to use our platform for better purposes and to uplift one another and our country.”

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Zeinab Harake marami pa ring mga netizens ang patuloy siyang binabatikos dahil sa kabobohan umano nito.

Iginiit nila na hindi naman sila na-offend sa komento nito sa video ni Vice Ganda kundi nabobohan sila sa naging pahayag nito.

Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Vice Ganda patungkol rito.