Aegis: Mercy Sunot – walang bisyo
Matapos ang pagpanaw ng bokalistang si Mercy Sunot, humihiling ang Aegis sa publiko ng paggalang para kay Sunot at sa kanyang pamilya sa kabila ng mga kumakalat na tsismis sa social media.
Ayon sa banda, may mga balitang nagsasabing ang “masamang bisyo” ni Sunot ang naging sanhi ng kanyang pagkakasakit, ngunit iginiit ng grupo na ito ay fake news.
Nilinaw ng Aegis na walang bisyo si Sunot, at hindi siya naninigarilyo o umiinom.
Binigyang-diin ng banda na ang pagpapakalat ng mga maling balita ay may masamang epekto sa mga naulila, kaya’t umapela sila sa publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon, lalo na sa panahon ng pagluluksa.
Kung maalala, pumanaw si Sunot noong Nobyembre 18 matapos ang matinding laban sa breast at lung cancer.
Ngunit ang kanyang boses ay mananatiling nakatatak sa mga Pilipino.