Ai-Ai delas Alas, proudly Team Nanay sa Pamilya Yulo family feud

Ipinost noon ni Ai-Ai delas Alas na gusto niyang bumili sa mga itinitinda sa live selling ni Angelica Yulo.

The Clash Panel 2024 (L-R) Lani Misalucha, Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz

The Clash Panel 2024 (L-R) Lani Misalucha, Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz 
Photo/s: Gorgy Rula

Gusto lang daw niyang suportahan ang ina ni Carlos Yulo, dahil sa gitna ng isyu nito sa pamilya Yulo, pumapanig daw siya kay Angelica Yulo at sa pamilya nito.

ai-ai delas alas hello kitty background
Sa nakaraang media conference ng The Clash na magsisimula na ngayong gabi sa GMA-7, tinanong naming si Ai-Ai kung may nabili na ba siya sa mga paninda ni Angelica.
“Wala pa!” bulalas nito.

Dagdag ni Ai-Ai, “Kasi si Father Allan, yung best friend ko, kilala niya yung parang family friend nina ano.

“Sabi niya sa akin kanina, kate-text niya lang, ‘Hoy, nahanap ko na si Mommy!’ Nahanap na raw niya si Mommy Angelica, natawa talaga ako.

“Sabi ko, ‘Father, may presscon lang ako, wait lang.’”

AI-AI, WILLING MAKIPAG-COLLAB KAY ANGELICA SA LIVE SELLING NITO

Gusto raw niyang magkita sila ni Angelica Yulo, at willing pa raw siyang tumulong sa pagtinda nito sa live selling.

“Oo, sabi ko, saan na siya, puntahan natin si Mommy, dali! Mag-live selling tayo. Sasamahan ko siya.

“Magtinda tayo, Mommy, dali! At tatalakan ko yung mga hindi bumili. ‘Hoy, bumili kayo dito! Mga chuva!’

“Bongga yun, di ba? Collaboration kami sa live selling ni Mother!” saad ni Ai-Ai.

Gusto lang daw niyang tulungang magtinda, at hindi na raw siya makikialam sa kikitain nito.

“Hindi na, kanya na lahat yun! Abangan natin yung live selling namin, di ba? O, mother, mag-live selling tayo! Lahat ng T-shirt mo, ilabas mo diyan, saka mga yung pamputi mo.

 

“Sabi ng mga tsika-tsika ko na mga barkada ko, ‘O, basta yung sabon na orange, sa akin.’ Di ba meron siyang sabon na orange, pampaputi yun e,” dagdag na tsika ni Ai-Ai.

AI-AI, PROUDLY TEAM NANAY

Sa gitna ng mainit na isyu nito ng pamilya Yulo, gusto lang iparating ni Ai-Ai na para raw talaga siya mga nanay, kagaya ni Angelica Yulo.

Ani Ai-Ai, “Ayoko naman makialam sa kanila kasi sabi ko nga, hindi ko naman alam ang pinag-ugatan nila. Pero ako, Team Nanay talaga ako. Nakikisimpatiya ako dun sa nanay kasi nga, dun sa mga nakikita at naririnig ko, e nanay kasi ako e.

“Alam ko kung anong pain ang dinadanas ni Mother, dahil dun sa mga salita at naririnig na binibitaw sa kanya… pinupukol pala, sorry.

“Kahit away-awayin nila ako, Team Nanay talaga ako.”

 

JERRY OLEA:

Keber ni Ai-Ai de las Alas kung ma-bash man siya ng supporters ng magkasintahang Carlos Yulo at Chloe San Jose.

AI-AI, MAY MENSAHE PARA KAY CHLOE SAN JOSE

Pero may mensaheng gustong iparating si Ai-Ai kay Chloe.

“Girl, huwag mo siyang aawayin. At saka hindi ka pa asawa, girl, girlfriend ka pa lang! Pag asawa ka na, puwede. Pero pag girlfriend, girl, huwag mo nang awayin, kasi alam mo naman ang mga Mommy, di ba?

“Isa yan sa way na maging harmonious ang inyong relationship,” bulalas ng Kapuso Comedy Concert Queen.

Umiiling si Ai-Ai nang tinanong namin kung okay lang ba sa kanya sakaling pagsamahin sila sa isang production number ni Chloe San Jose.

“Ayoko!” umiiling na sagot ni Ai-Ai.

Sinabi naming nagka-production number si Chloe sa ASAP Natin ‘To, okay bang sabayan niya ito?

“Ayoko! Basta ayoko lang. Ayoko nang i-elaborate! Tapos, aawayin ako ng mga bagets na kakampi niya,” natatawa niyang saad.

NOEL FERRER:

Pakikisama sa mga in-laws ang isa raw sa laging ipinapayo ni Ai-Ai de las Alas sa kanyang mga anak.

Pati sa mga nakarelasyon ng kanyang mga anak ay tinitingnan niya kung iginagalang ba siya bilang ina.

“Siyempre, sinasabi ko sa kanila, ‘O, anak ha, ganyan. Dapat marunong ka magluto, o dapat parati ka ano, tutulungan mo ang mga in-laws mo na ganyan kunwari nagluluto, tapos ikaw yung ano… kailangan parati kang may ‘po,’ ‘opo.’ Magalang ka rin, kasi ano yun e, magulang yun ng asawa mo. Dapat irespeto mo,” saad ni Ai-Ai.

Naintindihan naman daw niya ang mga kabataan ngayon, na ibang-iba sa mga kapanahunan natin.

“Nage-gets ko sila, pero ayoko silang i-gets. Gusto ko malaman nila na ito yung mas maganda at tamang paraan. Hindi ganun.

“Saka hindi niya dapat sinasabi yung ibang mga sinasabi tungkol sa mga magulang, na ganito, hindi naming obligasyon, ganyan-ganyan. Ay, hindi ganun! Hindi ganun ang buhay,” dagdag ni Ai-Ai.

Nilinaw ni Ai-Ai na dito sa isyu ni Carlos Yulo sa kanyang magulang ay hindi naman daw niya talaga alam kung ano ang totoong nangyayari sa kanila.

Doon lang daw siya nagre-react sa mga nababalitaan niya, sa mga nababasa niya.

“Hindi ko naman alam kung totoong sinabi niya yun e, kung ano yung nangyari.

“Yung sa akin lang, mga balita na nakikita ko, hindi naman yun lahat totoo yung nababasa natin sa TikTok, di ba?

“Kung totoo, dapat yung word… dun kasi ako nasaktan sa ‘ninakaw mo yung pera,’ hindi sasabihin dapat yun… yung ninakaw, magnanakaw.

“Kasi, sinasabi ko kanina sa interview, ipinanganak ka pa lang, hindi mo na kayang bayaran sa nanay mo yun. Kaya wala kang karapatang sabihin na ‘ninakaw, magnanakaw.’ Hindi maganda yung word na yun. That’s a no-no!

“Kaya mga kabataan, huwag mong sabihin sa magulang niyo yan!” pahayag ni Ai-Ai na isa sa Clash Panel sa The Clash kasama sina Lani Misalucha at Christian Bautista.

Read:

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News