Mariing pinabulaanan ng Star Magic artist na si Amanda Zamora na may katotohanan ang kumakalat na espekulasyon tungkol sa kanila ng Kapamilya A-lister na si Daniel Padilla.

Ilang araw nang usap-usapan online si Amanda nang maiugnay ang kanyang pangalan sa diumano’y bagong nobya ni Daniel.

Nagsimula ito nang minsang pag-usapan sa isang vlog sa YouTube ang kasalukuyang estado ng puso ni Daniel, ilang buwan matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Dito nabanggit ang pangalang “Amanda” na siya raw bagong nobya ng Kapamilya actor.

Dahil dito, ilang netizens ang naghinalang ang “Amanda” na tinutukoy sa vlog ay ang anak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na si Amanda Zamora.

Mas tumindi pa ang hinala ng netizens nang may ilang litrato ang kumalat na diumano’y naispatang magkasama sina Daniel at Amanda sa isang mall.