Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin Francisco, o mas kilala bilang si Doc Alvin, ang kondisyong medikal na naranasan ng kanyang kapwa YouTube content creator, model, at aktres na si Ivana Alawi.
What is Ascites?
Ibinahagi kamakailan ni Ivana sa kanyang YouTube vlog ang aniya pinakamahirap na pinagdaanan niya sa buhay noong siya ay na-ospital ng halos isang linggo dahil sa pagkakaroon ng excess fluid sa tiyan.
Kwento ni Ivana, pakiramdam niyang unti-unti na ring tumataas ang tubig na ito mula sa kanyang tiyan at tila nanigas na rin ito, kaya halos nagmukha na aniya siyang limang buwan na nagbubuntis.
Dagdag pa niya ay kaunting lakad ay tila hirap na siyang makahinga at bawat paghinga ay parang nakakalunod.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagiging bloated, mabilis na makaramdam ng pagkabusog, at biglaang pagbigat ng timbang.
Nawawala naman daw ito sa pamamagitan ng pagpapa-ihi gamit ang mga gamot na pampaihi o di kaya ang mas mabilis na proseso na isinagawa ni Ivana: ang pagpapabutas ng tiyan.
Upang maiwasan ang Ascites, payo ni Doc Alvin ay magkaroon ng balanced diet gaya ng pagkain ng mas maraming fiber at gulay, bawasan ang pagkain ng processed food na mga nakapakete gaya ng hotdog at mga delata, at higit sa lahat ay bawasan ang alcohol intake.
Sa halip, payo niya ay kumain ng whole food gaya ng mga manok at isda; magkaroon ng ideal body weight sa pamamagitan ng regular na ehersisyo; at magkaroon ng updated vaccinations.
Watch the full vlog here: