Patuloy ang espekulasyon ng fans nina Julia Montes, 25, at Coco Martin, 39, hinggil sa estado ng kanilang relasyon.
Makikita sa isang fan account ang pagpuna nila sa umano’y matching garden photos nina Coco at Julia.
Noon kasing December 8, 2020, ibinahagi ni Julia sa Instagram ang litrato niya na kuha sa isang garden.
Nakayakap si Julia sa isang malaking bato at sa likod niya ay makikita ang mayayabong na mga halaman.
Saad sa caption niya, “Life is a gift . Wake up everyday and realize that [heart emoji] @dimplesromana @angeliebdane right girls?”
Mayroon din isa pang Instagram post si Julia na kuha sa parehong spot. May petsa iyon na November 2020.
Bandang December 2020 din nang mapansin ng mapanuring netizens ang hiwalay na pictures ni Coco.
Kuha iyon sa garden sa bahay ng aktor habang tinitingan nito ang mga alagang ibon.
Naka-post ang mga litrato ni Coco sa kanyang account sa Lyka, isang photo-sharing social media app.
NETIZENS’ REACTIONS
Pinagtabi ng fans ang photo nina Julia at Coco.
Kapansin-pansin daw na parehong-pareho ang mga Philodendron selloum plants sa picture ng rumored couple.
Pati ang malaking bato na nasa picture ni Julia ay kapareho rin daw ng bato sa garden ng bahay ni Coco.
“Hello sa bato,” saad sa caption ng fan account na @cocojuls4ever sa Instagram.
Ang CocoJul ay uniname para sa tambalang Coco Martin at Julia Montes, na minsang nagkapareha sa hit Kapamilya teleserye na Walang Hanggan noong 2012.
Isa pang fan account sa Instagram, na may handle na @cocojulbukayo, ang nag-repost ng sinasabing matching photos nina Julia at Coco.
May close-up shot dito si Coco na makikita ang mayayabong na halaman sa kanyang likuran.
Mapapansing kuha iyon sa tapat ng kubo sa may garden ng bahay ni Coco.
Narito ang ilang comments ng netizens:
JULIA’S cryptic but sweet post on social media
May latest social media post si Julia na pinuna rin ng netizens.
Ngayong Sabado, February 6, sinasabing may sweet message si Julia para sa isang hindi pinangalanang tao.
Nag-post kasi si Julia ng litrato ng bouquet of flowers na may caption na nagsasabing, “I’m not afraid of tomorrow because I have you by my side.”
Makikita iyon sa Lyka account ni Julia.
Walang binanggit si Julia kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang caption, pero kinilig ang masugid na tagasubaybay nila ni Coco.
Sabi sa caption ng post ni @cocojuls4ever: “SOBRANG NAKAKAKILIG. Sino ba yan Julia?”
May mga netizen na nagkomentong marahil ay mensahe iyon ng aktres sa isang “Brilliant Actor.”
May humirit din na “cocojul lng” lang daw ang “Mlakas.”
COCO-JULIA QUERIES THROUGH THE YEARS
Nagkatambal sila sa hit Kapamilya teleserye na Walang Hanggan noong 2012 at sa pelikulang A Moment In Time noong 2013.
Parehong pribado sina Julia at Coco pagdating sa kani-kanilang love life.
Mula taong 2014 hanggang 2017, ilang beses inuusisa ng entertainment press si Julia tungkol sa napababalitang espesyal na ugnayan nila ni Coco.
Pero consistent si Julia sa pagsasabing magkaibigan lamang sila ni Coco.
Gayundin ang sinabi ni Coco sa isang panayam noong 2014.
Magkasundo raw sila ni Julia dahil pareho silang “lumaki sa lola” at tumatayong breadwinners ng kani-kanilang pamilya.
Over the years ay walang ipinakikilang karelasyon si Coco.
April 2019 naman nang maiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang impormasyon mula sa showbiz insiders na nagsabing nanganak si Julia at si Coco ang ama.
Hindi nagbigay ng anumang pahayag sina Coco at Julia ukol doon.
Ang tanging malinaw ay mas nais ni Coco na tumutok sa kanyang trabaho kaysa anumang sinasabi ng ibang tao, ayon sa Instagram post ng aktor noong April 21, 2019.
News
Daniel Padilla to do films, TV shows and possibly musicals in 2024
How can you not love singer-actor and celebrity endorser Daniel “DJ” Padilla? He is so enigmatic, warm and as tireless as ever. From gracing a store opening one rainy, weekend afternoon, he went straight to a media conference, where he…
New movie alert: Daniel Padilla to star in dark thriller, buddy comedy
Photo by Alyssa Gonzales, ABS-CBN News MANILA – The Supremo is making a huge comeback on the big screen. Kapamilya leading man Daniel Padilla is set to star in two new movies from ABS-CBN Films to finally end his film…
Coco: “Ang pinakamali ko sa buhay ko noong pinasok ko na yung pagdidirek. Napakahirap pala niyang responsibilidad…”
Coco: “Ang pinakamali ko sa buhay ko noong pinasok ko na yung pagdidirek.” Aminado ang actor-director na si Coco Martin na hindi madali ang mga pinagdaanan niya sa buhay bago niya narating ang mga bagay na mayroon siya sa kasalukuyan. Ang mga…
Coco Martin pa-Europe kaya araw-araw ang taping ng Batang Quiapo?
Mukhang may pinaghahandaan si Coco para sa future ng mga mahal niya sa buhay. Nakaapat na linggo na sa GMA-7 ang primetime series na Pulang Araw. Andiyan na ang mabagsik na si Lt. Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo). Mas iigting ang…
Kapamilya Spotlight: Daniel Padilla’s remarkable journey in becoming the “Supreme Idol of This Generation”
Daniel Padilla may be one of the nation’s greatest heartthrobs, but his success isn’t just because of his charm and good looks. Even with just over a decade of showbiz experience under his belt, he has proven to be a…
WATCH: Daniel Padilla shares clip of new Batangas theme park with castle
MANILA, Philippines — A theme park with a castle as one of its features is set to open in Batangas today, and actor Daniel Padilla teased what it looks like in his latest Instagram post. The actor shared its promotional clip…
End of content
No more pages to load