MAYNILA — Ipinasilip ng aktor at direktor na si Coco Martin ang binuo nilang set sa Baseco Compound para sa seryeng “Batang Quiapo”.

Espesyal ang set kay Coco dahil naging tambayan na rin ng kanyang kapwa aktor ang shooting location na nakatayo mismo sa ibabaw ng tubig.

Dito kinunan ang ilang eksena sa 2009 teleserye “Tayong Dalawa” na unang palabas ni Coco sa ABS-CBN kasama si Gerald Anderson.

Kuwento pa ni Coco, natutuwa sya sa mga nakikita niyang batang naliligo sa port dahil isa rin siyang “batang ilog” noon.

Tinutukan ng marami kamakailan ang pagkamatay ng karakter na si Bubbles na ginampanan ni Ivana Alawi, na kinunan sa shooting location na ito.