Coco: “Ang pinakamali ko sa buhay ko noong pinasok ko na yung pagdidirek. Napakahirap pala niyang responsibilidad…”

Coco: “Ang pinakamali ko sa buhay ko noong pinasok ko na yung pagdidirek.”

Coco Martin, FPJ's Batang Quiapo

Aminado ang actor-director na si Coco Martin na hindi madali ang mga pinagdaanan niya sa buhay bago niya narating ang mga bagay na mayroon siya sa kasalukuyan.

Ang mga karanasan daw niya ang nagpatibay sa kanya upang maging mas matapang at magpursiging abutin ang mga pangarap niya.

Matapos ang longest-running teleserye sa Philippine television na FPJ’s Ang Probinsyano, muling bibida si Coco sa panibagong adaptation ng dating blockbuster film ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., ang Batang Quiapo.

Makakasama niya rito sina Charo Santos-Concio at ang anak ni FPJ na si Lovi Poe.

 

Katulad sa FPJ’s Ang Probinsyano, malaki ang tungkuling nakaatang kay Coco dahil bukod sa pagiging bida ay isa rin siya sa mga sumulat ng kuwento at direktor ng teleserye.

Sa layo na ng kanyang naabot, hindi napigilang magbalik-tanaw ni Coco kung paano siya nagsimula.

Kuwento niya sa grand mediacon ng FPJ’s Batang Quiapo nitong Martes, February 7, 2023, sa ABS-CBN Studio 10, noong una ay hindi naman niya talaga pinangarap maging artista.

Masaya na raw siya noong rumaraket bilang extra sa mga pelikula at kumikita ng sasapat sa gastusin ng kanyang pamilya.

Pagbabahagi niya, “Sabi ko, sa buhay ko noong nag-aartista ako, sabi ko nga, hindi ko naman pinangarap maging artista.

“Siguro sa pakikipagsapalaran sa kahirapan ng buhay noong nakakita ako ng oportunidad na dito ako kikita, sinamantala ko yung pagkakataon.

“Hindi ko talaga siya tinitignan na parang gusto ko talagang maging artista, basta ang tingin ko dati raket lang ito, basta kikita ako, titirahin ko iyan.”

ACTING, LOVING IT, AND DREAMING TO BE DIRECTOR

Hindi raw niya akalaing mapapamahal siya sa propesyon ng pag-arte at magbubukas ito ng isa pang oportunidad para maging isa siyang direktor.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News