Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: 'Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama'

SA wakas, kinumpirma na rin ng Teleserye King na si Coco Martin na 12 taon na silang magkarelasyon ni Julia Montes.

Tinuldukan na finally ng premyadong actor-director ang mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa matagal na nilang pagsasama bilang magdyowa.

Base sa naging pahayag ng Kapamilya superstar, nagsimula ang kanilang love story noon pang 2011 nang magkasama sila sa ilang proyekto ng ABS-CBN.

Sa panayam ng “TV Patrol” ngayong gabi, May 23, ibinandera na nga ni Coco sa buong universe ang tunay na estado ng relasyon nila ni Julia na ilang taon na ring hinihintay ng kanilang mga tagasuporta.

“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati.

“Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ang privacy sa buhay namin,” ang pahayag ng “Batang Quiapo” lead star.