“Hindi ako puwede magkamali this time.”
Ito ang natatawang saad ng aktor na si Coco Martin nang tanungin tungkol sa nararamdaman sa pagpasok ni Julia Montes sa long-running primetime series na “Ang Probinsyano.”
Sa panayam ng dalawa sa Dreamscape Entertainment, inamin ng aktor na hindi siya makatulog dahil sa tensyon na nararamdaman sa muling pagsasama nila ni Montes sa isang proyekto.
“Ako ’yung di nakatulog. Ako ’yung tensyonado kasi makakasama ko siya. Hindi ako pwede magkamali this time. Dito pa ba ko sasablay?” tugon ni Martin na bida sa seryeng umabot na sa ikaanim na taon.
Paliwanag ni Martin, aksyon ang gagawin ni Montes sa teleserye kaya naman kailangan niyang turuan maigi ang aktres mula sa paghawak ng baril hanggang sa pagmomotor.
Nang tanungin kung magkakaroon ba sila ng love affair ng karakter ni Montes sa palabas, tila nagpahaging na ang aktor na maaaring hindi ito mangyari dahil gusto nilang sorpresahin ang mga manonood.
“Hindi namin ibibigay ’yung ine-expect ng manonood kasi kami lagi naming pinaghahandaan kung ano ’yung bagong ihahain sa mga bagong viewers natin,” sagot ni Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay sa serye.
Sinisigurado rin ng aktor na siya ring direktor ng palabas na may bago pa silang maihahain sa publiko sa kabila ng 6 taong pag-ere.
Aniya, nakakaramdam pa rin siya ng excitement sa paggawa ng episodes ng “Ang Probinsyano” lalo na’t may bagong cast muli ang serye.
“Kasi hanggang ngayon excited pa ko. Di ako nakakaramdam ng pagod. Lagi akong ganado. Lagi akong nae-excite. May bagong cast. Ang laki ng tatakbuhin ng kwento. Para akong gumagawa ng bagong show,” saad nito.
May kaunting pressure naman na nararamdaman si Montes sa bagong proyekto dahil alam umano niya ang dedikasyon ng bumubuo rito.
“May pressure. More of ma-meet ’yung expectations niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated,” pahayag ng aktres. “Blessed lang talaga and honored. Hindi siya aabot ng 6 years kung di ibinigay ng lahat puso nila.”
Unang nagkasama sina Martin at Montes sa seryeng “Walang Hanggan” noong 2012. Huli silang nagkatrabaho noong 2015 sa “Wansapanataym’s Yamishita’s Treasures.”
Matagal nang usap-usapan ang umano’y relasyon ng dalawa ngunit hindi pa diretsong inaamin ng mga ito ang tunay na estado nila.
News
The Lessons That Kathryn Bernardo and Daniel Padilla Taught Us About Love After Their Breakup – D
Kathryn and Daniel’s chapter may be over, but the lessons on life and love that they’ve learned together will remain forever After a couple months of speculation and 11 years of being in a relationship, both Kathryn Bernardo and Daniel…
Andrea Brillantes Reportedly *Confessed* Everything To Kathryn Bernardo In Person – D
Much has been said about Kathryn Bernardo and Daniel Padilla‘s controversial breakup. Different allegations have surfaced, including unconfirmed reports of Daniel and Andrea Brillantes‘ secret meet-ups. However, PEP.ph has reported that trusted sources revealed Andrea came clean to Kathryn. The PEP team released their exclusive story, on Monday, December…
Jed Madela Labis Labis Ang Pagsisisi Sa Pagpapaunlak Ng Interview Kay Toni Gonzaga?
Naging mainit na usapin ngayon ng ilang mga marites online ang umano’y pagkawala ni Jed Madela kahit pa sa bakuran mismo ng ABS-CBN. Ayon sa ilang mga haka-haka, madalang na lamang nilang nakikita si Jed Madela sa ilang mga guestings…
Coco Martin Tutuparin Ang Birthday Wish ni Gina Pareño?
Sa pinakabagong episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Oktubre 25, tinalakay ni Ogie ang posibilidad na matupad ni Coco ang kahilingan ni Gina. “Tanggol, baka puwede mo namang kunin si Tita Gina Pareño nang makaarte naman. Regalo mo na…
Kathryn INAMIN Na! KINIKILIG SIYA kapag GINAGAWA ITO ni Alden – D
Sa mundo ng showbiz, hindi maikakaila ang kasikatan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Simula nang magsama sila sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, naging laman ng mga balita at tsismis ang diumano’y espesyal na koneksyon ng dalawa. Ngayon, inamin…
Amanda Zamora NAGSALITA NA sa ISTADO ng RELASYON NILA ni Daniel Padilla! – D
Sa wakas, nagsalita na si Amanda Zamora tungkol sa matagal nang usap-usapan sa social media tungkol sa umano’y relasyon nila ng aktor na si Daniel Padilla. Matapos ang ilang linggo ng mga spekulasyon, nagbigay ng pahayag si Amanda sa isang…
End of content
No more pages to load