No. 1 ang pelikulang Pula sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Noong Mayo 3, 2024, Biyernes, nag-umpisa ang worldwide streaming nito. Bida sina Coco Martin at Julia Montes, sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Tampok din dito sina Christine Bermas at Vince Rillon. Ginawa nila ang Pula bago pa sila umariba sa Vivamax.
Ang rating ng nabanggit na pelikula ay 16+ dahil sa Violence at Sexual Violence. May butt exposure si Coco, at may pa-boobey si Christine.
Noong Hulyo 2021 pa ito syinuting sa Pola, Oriental Mindoro, kung saan mayor si Ina Alegre, na kasama sa cast.
Nasa cast din sina Raymart Santiago, Alan Paule, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, Cataleya Surio, Erlinda Villalobos, at Angelica Cervantes.
Ang logline ng Pula, “When the brutal murder of a teenage girl devastates this sleepy town, a troubled police officer begins an investigation that tests his limits.”
Maliban sa Pula ay may dalawa pang pelikulang Pinoy sa Top 10 Movies ng Netflix PH ngayong Mayo 5, Linggo.
Panlima ang My Zombabe nina Kim Molina at Empoy Marquez. Pansiyam ang A Journey nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia.
Sa Mayo 7, Martes naman ang streaming ng pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko nina Aga Muhlach at Julia Barretto.
Mayo 14 ang streaming ng pelikulang Roadtrip nina Carmina Villaroel, Candy Pangilinan, Janice de Belen, at Gelli de Belen.
Mayo 30 ang streaming ng Family of Two (A Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Pula, City Hunter, Contagion, The Zookeeper’s Wife, My Zombabe, Mercury Rising, 13 Bombs, Jurassic World Dominion, A Journey, at Don’t Breathe 2.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears, Baby Reindeer, Frankly Speaking, Good Bye Earth, The Demon Sword Master of Excalibur Academy, Kaiju No. 8, The Asunta Case, Parasyte The Grey, Can’t Buy Me Love, at A Man in Full.