MAYNILA — Mula sa kaniyang pagiging bahagi sa maaksyong buhay ni Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo’ bilang si Oweng, sasabak naman ngayon sa pakikipag-kulitan ang small but terrible star na si Baby Giant sa inaabangang pagbabalik ng “Goin Bulilit.”
Sa naging panayam ng ABS-CBN News kay Renz Joshua Baña, o mas kilala bilang si Baby Giant, ibinahagi niya ang kaniyang pananabik sa muling pagbabalik ng Kapamilya kiddie gag show kung saan siya magiging bahagi.
“Siyempre nagpapasalamat po ako kasi nakapasok po ako dito po sa big program dito sa ‘Goin Bulilit’ po sobrang thankful po talaga,” ani Baby Giant.
“Yes merong adjustment po na nangyari kasi doon sa ‘Batang Quiapo’ po, puro action po ang ginagawa namin and then lumipat po ng comedy, pero kahit action o comedy okay na okay po ako doon,” masayang sambit niya.
Sa kaniyang paghahanda sa bagong yugto sa kaniyang karera bilang bagong kuya mga kids ng ‘Goin Bulilit’ pinasalamatan rin ni Baby Giant ang taong nag-biigay daan para maging bahagi siya ng programa.
“Ni-recomend po ako, tinawagan po ako ni Direk Coco, and then sabi po niya, ibibigay niya nga raw po ‘yung number ko kay Direk Bobot. Si Direk Coco po talaga ang naging daan, ipinasa po niya ang number ko sa kanila po,” kuwento ni Baby Giant.
Pinasalamatan rin ni Baby Giant ang aktor na si Coco Matin na patuloy ang naging tiwala sa kaniya para pasukin niya ang mundo ng show business.
“Hindi ko ma-explain na eto magagawa ko ‘yung ganito na makakapasok ako ng showbiz na dati hindi ko naman talaga insahan na makakapasok ako dito, pero ngayon andito na ako dahil ‘yun sa kaniya,” saad pa nito.
Bukod sa “Goin Bulilit” na mag-uumpisang mapanood ngayong July 1, patuloy rin na mapapanood si Baby Giant sa hit ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo”.
News
Richard Gutierrez, Daniel Padilla to top-bill upcoming series ‘Incognito’
MANILA — It’s official. ABS-CBN Studios’ newest and upcoming series “Incognito” will be Daniel Padilla and Richard Gutierrez’s comeback project. In a teaser video uploaded on social media, Gutierrez and Padilla can be seen as part of the stellar cast…
IN PHOTOS: Coco Martin with his one and only Queen
Many women have been linked to our Primetime King Coco Martin, but only one “queen” have ruled his heart most of his life. Who else but the woman instrumental in molding Coco to become the affable, concerned, approachable and wonderful…
Daniel Padilla talks about training, preparation as he heads to Italy for “Incognito” taping
The weather might be changing constantly—literally—but Daniel Padilla is more than ready to dive into some high-octane action in his upcoming teleserye, “Incognito.” By the looks of the preparations, his grand comeback is set to deliver some serious ‘pasabog.’ Daniel…
LOOK: Ang mga anak-anakan ni Coco Martin sa loob at labas ng showbiz
He’s definitely admired not just because of how brave, virtuous, and dutiful his character Ricardo “Cardo” Dalisay is in FPJ’s Ang Probinsyano when it comes to fulfilling his job as a police officer, but with how he also prioritizes and protects his…
Priceless! Rare moments of Julia Montes with her loveable Papa
In the long-running action-drama series FPJ’s Ang Probinsyano, Julia Montes plays Mara, the loving and diligent daughter of Armando (John Estrada) and Lolita (Rosanna Roces). And just like her character, she is not afraid to show her love for her family. In…
WATCH: Highlights from Daniel Padilla’s sold-out concert
Daniel Padilla put on a show for his fans at his sold-out concert over the past weekend. Star Cinema MANILA—Push has compiled shots of some of the highlights from Daniel Padilla’s sold-out concert, that included Ian Veneracion and Jericho Rosales’ surprise…
End of content
No more pages to load