Matapos mapanood sa top-rating primetime series na Walang Hanggan sa ABS-CBN, susubukan naman sa box-office ang tandem nina Coco Martin at Julia Montes.

Matapos mapanood sa top-rating primetime series na Walang Hanggan sa ABS-CBN, susubukan naman sa box-office ang tandem nina Coco Martin at Julia Montes.

Magkakaroon na ng pelikula sina Coco at Julia at sisimulan na raw nila itong gawin ngayong taon na ito. Ito ang rebelasyon na ginawa nina Coco at Julia sa Walang Hanggang Pasasalamat Concert na ginanap noong Linggo, Oktubre 21, sa Smart Araneta Coliseum. Halos mapuno ng Big Dome sa dami nang nais makita ng live ang kanilang mga idolo na cast members ng Walang Hanggan.

Bongga ang opening number ng concert dahil sinimulan ito ng tatlong Kapamilya singers na champion sa awitan na sina Christian Bautista, Erik Santos at Jed Madela. Sinundan ng awit nina Juris, Bryan Termulo, Bugoy Drilon, Liezl Garcia, at Aiza Seguerra.

Bago tuluyang matapos ang opening number ng mga Kapamilya singers ay nagtilian ang mga audience nang dumating sina Dawn Zulueta at Richard Gomez, ang tandem na binansagan bilang “Infinite Loveteam.”

Hindi lamang ang soap opera ang tinangkilik ng mga manonood, maging ang kanilang Walang Hanggan Original Sound Track ay nagkamit na ng Platinum Record Award. Habang pinakikita sa big screen ang ilang magagandang eksena mula sa Walang Hanggan ay inawit nina Bryan Termulo, Liezl Garcia at Bugoy Drilon, Christian Bautista, Erik Santos at Juris ang ilang kanta mula sa album.

Isa sa mga highlight ng concert ay ang interview portion ng mga artista. Si Toni Gonzaga ang nag-interview kina Paulo Avelino, Melissa Ricks at Joem Bascon. Kwela namang ininterview ni Vice Ganda ang dalawang Reyna ng Pelikula na sina Ms. Susan Roces at Helen Gamboa. Natuwa ang mga manonood sa pangungulit ni Vice sa dalawa dahil bukod sa napakanta niya si Ms. Susan Roces ay napasayaw pa niya ng “Gangnam Style” si Ms. Helen Gamboa. Kinilig naman ang mga fans nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa interview ni Kris Aquino. Unexpected na hinalikan ni Richard sa lips si Dawn dahil sa kahilingan ng mga fans. Matapos ang interview ay nag-duet sina Dawn at Richard para sa awiting “Reunited.”

Kasunod nito ay ang inaabangang paglabas sa stage nina Katarina (Julia) at Daniel (Coco). Tilian ang mga tagahanga sa duet nila na “Pangako.” Nagulat rin si Julia sa nakaw na halik ni Coco sa kanyang pisngi. Matapos ang kanilang duet ay ininterview ni Boy Abunda ang dalawang lead stars.

Kanina sa backstage, dumaan sina Julia at Coco sa aking harapan at hindi nila alam na nakatitig ako sa kanila at magka holding hands silang dalawa. Anong ibig sabihin ng holding hands na yun?

Julia: “Wala po yun. Kinakabahan lang po kaming dalawa.”

Noong una kayong nagkita sa set ng Walang Hanggan, ano ang first impression ninyo sa isa’t isa? How do you describe each other in one word?

Coco: “Yummy!”

Yummy ka daw sabi ni Coco. Ikaw Julia how do you describe him in one word?

Julia: “Mas yummy! (sabay tawa)

Off cam how would you describe Coco Martin?

“Napaka gentleman, kusa niya talagang inaalagaan ang mga babae.”

Off-cam, how do you describe si Julia?

Coco: “Baby pa, e. Masarap pang alagaan.”

Bilang isang babae, bilang isang young woman? Ano yung nakita mo kay Julia na espesyal?

Coco: “Para sa akin, isa po siya sa mga pinakamagandang artista sa ABS-CBN. Lalo na po na nagdadalaga na siya. Sabi ko nga, masaya ako kasi ngayong nagdadalaga siya, ako yung nakasama nya sa soap-opera. Malungkot ako dahil, pag dalaga na siya baka hindi na ako yung kasama niya.”

Baka daw pag dalaga ka na ay di mo na siya pansinin. Ano yung nais mong sabihin kay Coco?