Usap-usapan ngayon na nanganak na ang aktres na si Julia Montes, 24, at nangyari ito rito mismo sa Pilipinas.
Malakas din ang kutob ng showbiz insiders na ang ama ng isinilang ng dating Star Magic star ay ang secret boyfriend niyang si Coco Martin, 37, ang tinaguriang King of Primetime ng ABS-CBN dahil sa pamamayagpag ng pinagbibidahan nitong FPJ’s Ang Probinsyano.
Taong 2015 nang unang umugong ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.
Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.
Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.
Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.
Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
Nakasama nila rito sina Kim Chiu, KC Concepcion, at Jake Cuenca. Tumagal ng walong buwan sa ere ang teleserye na nagkaroon pa ng Book Two.
Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.
Ngunit ayon sa mga nakakakilala sa kanila, naging close sina Julia at Coco at mayroong relasyong higit pa sa pagkakaibigan lamang.
JULIA LEAVES STAR MAGIC
October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.
Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.
Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.
Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.
December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.
News
Coco Martin lookalike video was edited
CEBU CITY, Philippines — Now it can be told. The trending photos of an alleged Coco Martin lookalike in Cebu were manipulated. For the past few days, netizens have been circulating photos of a man from Argao, Cebu, who looks…
Coco Martin: Creating a Comfortable Home for Every Filipino
Coco Martin, a beloved figure in the world of Philippine entertainment, understands that a home is more than just a physical space; it is a sanctuary, a place where one can find rest, comfort, and peace. Known for his humility…
Ruru Madrid at Coco Martin, nagkaharap sa isang event
Muling magkakatapat ang mga programa nina primetime action hero Ruru Madrid at Kapamilya actor na si Coco Martin. Sa November 6 na magsisimula ang bagong full action series ni Ruru na Black Rider. Pareho ito ng oras ng primetime series ni…
Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: ‘Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama’
SA wakas, kinumpirma na rin ng Teleserye King na si Coco Martin na 12 taon na silang magkarelasyon ni Julia Montes. Tinuldukan na finally ng premyadong actor-director ang mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa matagal na nilang pagsasama bilang magdyowa. Base sa naging…
“Coco’s mural for Julia | ‘A Moment in Time'” Masayang Sandali: Ang Mural ni Coco para kay Julia
Muling pinag-usapan ng mga tagahanga ang pagmamahalan nina Coco Martin at Julia Montes matapos lumabas ang larawan ng isang magandang mural na ginawa ni Coco para sa kanyang inaasam na kabiyak. Ang naturang mural, na may pamagat na “A Moment…
‘My knight in shining armor’: Julia Montes didn’t deny rumored wedding, engagement with Coco Martin
Lovebirds Coco Martin and Julia Montes. MANILA, Philippines — Kapamilya actress Julia Montes didn’t admit nor deny that the ring she wore during the ABS-CBN Ball 2023 was a wedding or engagement ring from partner Coco Martin. In her guesting…
End of content
No more pages to load