Nagkaroon ng sapat na panahon si Daniel Padilla na maka-bonding ang kanyang mga kapatid.
Ito ay matapos nilang kumpirmahin ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo ang kanilang breakup noong November 30, 2023.
Sa contract signing ni Daniel sa ABS-CBN kahapon, February 12, 2024, kinumusta ni MJ Felipe ng TV Patrol ang aktor.
“Parang I just came back to my roots. Yung mga moments na nandoon yung mga kapatid ko.
“And yung mga lessons in life, di ba? Ang dami mong nakukuha kung saan-saan.”
Sa panahong madilim ang dinaanan ni Daniel dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn, naging sandalan daw niya ang kanyang pamilya at totoong mga kaibigan.
Saad pa niya, “Yeah, itong timezone na to. Ang dami rin nag-ano, ang dami ring nagpakilala.
“At least talagang eye-opening moment ito, so doon mo actually makikita [humanizing moment actually siya], super.
“Kaya yung mga totoong nandiyan, ang sarap kasama.”
Wala naman daw problema kay Daniel na maraming fans ang tumalikod sa kanya dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn.
KathNiel ang tawag sa fandom ng dalawa.
Aniya, “Kahit dun sa mga nag-move on na sa akin, it’s okay.
“Valid yung gusto nilang mararamdaman. Kung nararamdaman nila yun, nararamdaman nila yun.
“Hindi ko na sila mapipigilan. And yung sa mga nandiyan pa rin para sa akin, I appreciate them very, very much.”
May nais namang sabihin si Daniel kaugnay ng mga isyung naglabasan.
Sabi nito, “Sa lahat ng nangyari, ayoko nang makisabay, saka parang out ako sa ganyan. Saka yung nangyari, it’s very personal to me.
“And I don’t appreciate na ang daming nagtsi-chip-in, sabi ko, ‘It’s showbiz, baby.’”
May plano ba siya sa Araw ng mga Puso ngayong single na siya?
Tugon ni Daniel, “Inisip ko nga, yung mga kapatid ko, nakalimutan ko parang may mga date na rin sila.”
Team bahay raw siya sa Valentine’s Day.
Samantala, handa na ba siyang umibig muli?
Giit niya, “Definitely not. Love for human nature.”
Kailan kaya siya magiging ready para rito?
Sabi ni Daniel, “Ayoko na munang isipin yun. Trabaho muna ako.
“Wala muna akong love life.”
Dugtong naman niya sa nasabi pa ring uncut verson ng panayam ni MJ na lumabas sa YouTube, “I want to work on myself. I need to love myself first.”
Pinasalamatan naman ni Daniel ang dating nobya at ka-love team na si Kathryn sa kanyang pag-renew ng kontrata bilang Kapamilya.
News
‘I’m healed’: Kathryn Bernardo talks about forgiveness following Daniel Padilla split
MANILA, Philippines — After the much talked about breakup with Daniel Padilla last November, Kathryn Bernardo reveal that she’s now healed. In her interview with Mega Magazine, Kathryn said she’s now in a better position in life. “Now, where I…
Kathryn Bernardo lilipat na sa Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nuñez?
Maganda ang pasok ng taong 2024 sa Crown Artist Management (CAM) ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez. Nagpadala sila ng press release sa PEP Troika na naglalaman ng na-achieve ng ilan sa artists nila. Kumbaga, “crowning glory of Crown” ang turing…
Julia Montes Proud na Pinakita ang Baby Bump Niya sa Rumored 3rd Baby nila ni Coco Martin!
Matapos ang matagal-tagal na pananahimik tungkol sa kanilang relasyon, tila hindi na maitago ni Julia Montes ang kanyang excitement habang ipinakita ang kanyang baby bump sa isang pribadong event. Ayon sa mga usap-usapan, ito na raw ang ikatlong anak nila…
Julia Montes Spills the Tea on Her Romantic Moments with Coco Martin in Spain—Is There More to the Story?
Kinumpirma ni Julia Montes, 29, na na-enjoy niya ang bakasyon sa Spain kasama ang rumored partner na si Coco Martin, 42. June 5, 2024 nang mag-post si Coco sa Instagram ng sweet na larawan nila ni Julia sa harap ng Casa Battlo…
‘What we had was real’: Kathryn Bernardo breaks silence over breakup with Daniel Padilla
MANILA, Philippines — Kapamilya star Kathryn Bernardo finally confirmed that she and long-time boyfriend Daniel Padilla have broken up. In her Instagram account, Kathryn released a statement saying she will not be entertaining questions about the breakup. “I’ve been in…
Daniel Padilla Drops a Bombshell: ‘Ready na ako’ to Marry Kathryn Bernardo—Is the Wedding Happening Soon?
These were Daniel Padilla’s certain words on the topic of marrying Kathryn Bernardo, his reel and real-life partner of 10 years. The two opened up about their relationship in “2Good 2gether,” a one-off special leading up to the Netflix premiere…
End of content
No more pages to load