Daniel Padilla to focus on career after breakup

Nagkaroon ng sapat na panahon si Daniel Padilla na maka-bonding ang kanyang mga kapatid.

Ito ay matapos nilang kumpirmahin ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo ang kanilang breakup noong November 30, 2023.

Sa contract signing ni Daniel sa ABS-CBN kahapon, February 12, 2024, kinumusta ni MJ Felipe ng TV Patrol ang aktor.

Daniel Padilla ABS-CBN contract signing

Ayon sa aktor, “I’m good, I’m good. I found new life.

“Parang I just came back to my roots. Yung mga moments na nandoon yung mga kapatid ko.

“And yung mga lessons in life, di ba? Ang dami mong nakukuha kung saan-saan.”

Sa panahong madilim ang dinaanan ni Daniel dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn, naging sandalan daw niya ang kanyang pamilya at totoong mga kaibigan.

Saad pa niya, “Yeah, itong timezone na to. Ang dami rin nag-ano, ang dami ring nagpakilala.

“At least talagang eye-opening moment ito, so doon mo actually makikita [humanizing moment actually siya], super.

“Kaya yung mga totoong nandiyan, ang sarap kasama.”

Wala naman daw problema kay Daniel na maraming fans ang tumalikod sa kanya dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn.

KathNiel ang tawag sa fandom ng dalawa.

Aniya, “Kahit dun sa mga nag-move on na sa akin, it’s okay.

“Valid yung gusto nilang mararamdaman. Kung nararamdaman nila yun, nararamdaman nila yun.

“Hindi ko na sila mapipigilan. And yung sa mga nandiyan pa rin para sa akin, I appreciate them very, very much.”

May nais namang sabihin si Daniel kaugnay ng mga isyung naglabasan.

Sabi nito, “Sa lahat ng nangyari, ayoko nang makisabay, saka parang out ako sa ganyan. Saka yung nangyari, it’s very personal to me.

“And I don’t appreciate na ang daming nagtsi-chip-in, sabi ko, ‘It’s showbiz, baby.’”

May plano ba siya sa Araw ng mga Puso ngayong single na siya?

Tugon ni Daniel, “Inisip ko nga, yung mga kapatid ko, nakalimutan ko parang may mga date na rin sila.”

Team bahay raw siya sa Valentine’s Day.

Samantala, handa na ba siyang umibig muli?

Giit niya, “Definitely not. Love for human nature.”

Kailan kaya siya magiging ready para rito?

Sabi ni Daniel, “Ayoko na munang isipin yun. Trabaho muna ako.

“Wala muna akong love life.”

Dugtong naman niya sa nasabi pa ring uncut verson ng panayam ni MJ na lumabas sa YouTube, “I want to work on myself. I need to love myself first.”

Pinasalamatan naman ni Daniel ang dating nobya at ka-love team na si Kathryn sa kanyang pag-renew ng kontrata bilang Kapamilya.