Nakapagtala ng panibagong milestone ang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, nang kumita na ito ng P245 milyon sa ikatlong araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Mapanonood na rin ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan sa Australia, New Zealand, USA, Canada, Saipan at Guam.
‘Hello, Love, Again,’ kumita na ng P155M sa loob ng 2 araw
2NE1 nasa Pilipinas na para sa kanilang ‘Welcome Back’ reunion concert
Rita Daniela, nagpapakatatag para sa anak matapos ireklamo si Archie Alemania
Bago nito, pumalo na ng P85 milyon sa sales sa opening day ang “Hello, Love, Again,” na kolaborasyon ng GMA Pictures at Star Cinema ng ABS-CBN.
Sa ikalawang araw naman nito, kumita na ito ng P155 milyon.
Sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang “Hello, Love, Again” ay karugtong ng kuwento ng pagmamahalan nina Joy at Ethan, na ginagampanan nina Kathryn at Alden, sa 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”