Ivana Alawi bids goodbye to Batang Quiapo

Namaalam na ang karakter ni Ivana Alawi na si “Bubbles” sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Batang Quiapo noong isang gabi, July 30, 2024.

Pero mariing itinanggi ni Ivana ang alegasyong pag-a-atittude umano niya sa set ang dahilan kung bakit pinatay na ang kanyang karakter sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa exclusive interview sa kanya ni MJ Felipe na umere sa TV Patrol, Miyerkules ng gabi, July 31, 2024, sinabi ni Ivana na may iba pa siyang importanteng gagawin kaya nagpaalam na siya sa Batang Quiapo.

Sandaling appearance lamang daw noon ang inakala niyang pagtatampukan niya sa teleserye, lalo na nung ikinasal si Lovi Poe, isa sa mga bida ng Batang Quiapo.

Lahad ni Ivana, “Unang-una, tawag po sa akin si Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN executive] at sila Direk Coco na sabi nila may project, itong Batang Quiapo.

“This was during the time nung ikinasal si Lovi. Sabi ko, ‘Okay po, how long?’

“Kasi hindi ko kayang matagal. Because first of all, I have other work.

“I have my vlog. I have other commitments also abroad.”

Pero inabot siya ng halos isang taon sa top-rating program.

Dagdag niya, “Mag-one year na. Oh my God!

“So, nag-click siya and mag-one year na.

“So, nag-catch up lahat ng commitments ko, as in nahuhuli na ako.

“So, nagpaalam ako nang maayos. Sabi ko, ‘Hindi na talaga kaya.'”

Hindi raw makakalimutan ni Ivana ang naging experience niya sa teleserye.

Saad niya, “It’s one for the books.

“It’s something that I’ll treasure for a long time because it’s the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things, which is action.”

Dito rin daw niya nasabing isa na siyang ganap na aktres.

Aniya, “Yes, I’ve grown and I’ve learned a lot. And siguro ito yung show na kahit pagtanda ko, mapa-proud ako.”