JC de Vera, Na-Offend sa Tanong ni Alex Gonzaga: ‘Mukha ba Akong Nagsusuot ng Fake?

‘MUKHA BA AKONG NAGSUSUOT NG FAKE?’

Sa programang ‘Long Conversation’ ng One News PH, ikinuwento ng aktor na si JC de Vera kung paano umano siya na-offend noon ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

JC de Vera na-offend sa ginawa ni Alex Gonzaga: Nagulat talaga 'ko!

Natanong kasi si JC ng host ng naturang programa na si Stanley Chi kung mayroon na ba siyang nakatrabahong artista na may attitude.

JC de Vera:

“Nakakatawang pag-a-attitude ‘yon…

First time kong makilala si Alex Gonzaga. Hindi ko siya kilala personally… ‘Yung first few taping days namin e nag-out-of-town shoot kami. So, naka-shades ako na pula.

Tapos tinanong niya ako, ‘JC, original ba ‘yang shades mo?’

Natawa ako kasi hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaasar ako sa kanya. Pero definitely, na-offend ako.

Pero alam ko namang hindi niya mini-mean kasi, ‘yun nga, hindi naman kami talaga magkakilala pa o close.

Sumagot lang ako na, ‘Orig to!’

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga-Balita

Pero alam mo ‘yung awkward moment na parang, ‘Anong isasagot ko sa’yo? Bago lang ako dito tapos tatanungin mo ako ng ganyan. Parang, mukha ba akong nagsusuot ng fake?’

Siguro mga ten minutes to fifteen minutes akong na-hurt na tinanong niya ako ng ganu’n… Nagulat ako, e.

Pero inisip ko na lang na baka ‘yun ang way niya for being friendly.

After naman nu’n, gumawa pa kami ng project together ni Alex, ‘yung comedy din [so okay kami].”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News