Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Julia Montes at sinabing ang kanyang nobyong si Coco Martin ang “answered prayer” niya.
Sa vlog ng TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano, na inilabas sa YouTube kahapon, October 25, 2023, natanong si Julia kung pinangarap ba niya noong non-showbiz ang maging karelasyon niya.
Tugon ng Five Breakups And A Romance star, “Actually, wala po sa isip ko.
“I’m the type of person na kung ano yung binigay sa akin ni Lord, naniniwala ako, binigay siya sa akin.”
Sa tingin niya, bakit si Coco ang ibinigay ng Diyos sa kanya?
Saad ni Julia, “A, si Coco kasi, nagkataon nung time na lost ako as a person, siya yung nag-guide sa akin, e.
“Siya yung answered prayer ko na nung mga time na, ‘Anong gagawin ko?’ Lost. Di ko alam kung anung-ano.
“Tapos ipinakita lang niya sa akin na siya din, been through all hardships. Tapos basta keep the faith and Nazanere devotee sila ni Lola.
“So, parang na-realize ko lang, ‘Oo nga, ‘no, basta huwag ka lang gi-give up and keep the faith.’
“Yun yung isa sa pinagpi-pray ko na in-answer ni Lord through Coco.”
Pareho man silang nasa showbiz, pinahahalagahan daw nina Julia at Coco ang kanilang privacy.
Saad ng aktres, “Ang sa amin, mas importante lang sa amin ngayon yung privacy.
“Si Coco kasi, hindi showbiz, e, ever since, hindi.
“Kung ano siya as Rodel, yun din siya as ngayon, as Coco.”
Rodel Pacheco Nacianceno ang totoong pangalan ni Coco.
Komento ni Bernadette, mabuting tao si Coco. Mabilis itong sinang-ayunan ni Julia.
Aniya, “Yes, kasi ang core niya rin, ganun po, e, family, generous siyang tao.
“Tapos hindi rin naman siya laki sa yaman.
“Kaya talagang lahat ng meron siyang opportunity, blessing ngayon, kaya siya ganun mag-give back.
“More than anything, hindi lang siya, parang ang tawag kasi ng ibang tao, ‘Hmp, ma-showbiz naman.’ Hindi, e.
“Talagang iba ang private life.”
Sagrado para kay Julia ang kanyang pribadong buhay. Todo-bigay naman daw siya bilang aktres kapag nagtatrabaho.
Paliwanag niya, “Yes. Parang yun na lang, I mean, in-offer ko naman po yung work and ano sa tao.
“So, parang yung private life, mas prefer ko lang talagang balato na. Balato na sa akin.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot nina Julia at Coco ang balitang mayroon na silang dalawang anak.
Nausisa rin si Julia kung nagseselos ba siya.
Sagot niya, “Nagseselos din ako, tao naman po ako. Pero maturity, saka work is work.
“Yes. Si Coco naman sobrang ano yan na tao, sobrang mabuti, mabait, and wala akong masasabi, kaya wala, kalma lang.”
News
JULIA MONTES NAIYAK DI INAASAHAN NA MAGAGAWA ITO NI COCO MARTIN SA KANYA
Narito ang isang nakakaantig na kwento tungkol kina Julia Montes at Coco Martin, dalawang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz na matagal nang iniugnay sa isa’t isa. Kamakailan lang, naging usap-usapan ang isang emosyonal na tagpo kung saan hindi napigilan…
JULIA MONTES! 3RD BABY NA?! ANAK NILA COCO MARTIN?!
Actress Julia Montes received comments with speculations that she might be “pregnant” once again because of a recent photo that surfaced online. “Again” because this is not the first time that Julia became the topic of pregnancy rumors. It was first rumored…
EXCLUSIVE SCOOP: Coco Martin’s Surprising Choice for Batang Quiapo’s New Leading Lady – You Won’t Guess Who Stole His Heart!
Ivana Alawi Bids Farewell to “Batang Quiapo,” New Leading Lady Expected Kapamilya viewers will undoubtedly miss Ivana Alawi’s character in “Batang Quiapo.” After a year on ABS-CBN’s primetime series, Ivana has said goodbye to the show. Fans, who have…
lNA ni BEA Alonzo lSlNlWALAT na kung BAKlT NAGHlWALAY si BEA at DOMINIC Roque!
Kamakailan lamang, nagbigay ng isang panayam si Bea Alonzo kung saan tinukoy niya ang mga dahilan ng kanyang paghihiwalay kay Dominic Roque. Ang balitang ito ay nagdulot ng malawakang reaksyon mula sa mga tagahanga at sa media, na sabik na…
OMG! Totoong Dahilan ng Paghihiwalay ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!
Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa mundo ng showbiz ang balitang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kilalang-kilala bilang “KathNiel.” Ang kanilang relasyon, na umabot sa mahigit pitong taon, ay talagang naging inspirasyon sa marami, kaya’t ang balitang ito…
Coco Martin Finally Speaks Out on Julia Montes’ Surprise Third Pregnancy: What’s the Real Story Behind It?
Actress Julia Montes received comments with speculations that she might be “pregnant” once again because of a recent photo that surfaced online. “Again” because this is not the first time that Julia became the topic of pregnancy rumors. It was first rumored…
End of content
No more pages to load