Nagpaunlak si Julia Montes ng panayam sa entertainment media pagkatapos ng awarding ceremony ng 7th The EDDYS.
“Ayyyy!” parang kinikilig niyang reaksyon sa sinabi naming hinihintay na isi-share niya kay Coco Martin ang nakuha niyang award.
Nakuha ni Julia ang Best Actress award at isa siya sa anim na Box-Office Heroes ng 7th The EDDYS, pero hindi niya nabanggit si Coco sa acceptance speech.
Sa katunayan, bago siya pumunta sa Marriott Grand Ballroom para dumalo sa 7th The EDDYS ay pinadalhan pa siya ni Coco ng flowers na parang ito siguro ang lucky charm niya nung gabing iyun.
“Ay, hehehe! Baka nga po,” natatawang sagot ni Julia.
Lagi naman daw nakasuporta sa kanya si Coco, lalo na sa kanyang career.
“Sobrang lagi po siyang supportive. Lahat naman po siguro na napuntahan ko ngayon, narating ko po ngayon, parte rin naman po siya,” lahad ni Julia.
“Dahil una po ang Walang Hanggan, siya po ang nakasama ko dun hanggang… nung nag-e-extra pa lang po kami, kami na rin yung magkasama.
“So, parang parte na rin po ng naging journey ko.”
Napag-usapan na rin ang nakaraang bakasyon nila sa Europe na dapat ay makapagpahinga raw ang Hari ng Telebisyon.
Ang awards night ng 7th The EDDYS ay ginanap nitong Hulyo 7, 2024 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.
Ang delayed telecast ng 7th The EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 14, 2024, Linggo, sa ALLTV.
News
Richard Gutierrez, Daniel Padilla to top-bill upcoming series ‘Incognito’
MANILA — It’s official. ABS-CBN Studios’ newest and upcoming series “Incognito” will be Daniel Padilla and Richard Gutierrez’s comeback project. In a teaser video uploaded on social media, Gutierrez and Padilla can be seen as part of the stellar cast…
IN PHOTOS: Coco Martin with his one and only Queen
Many women have been linked to our Primetime King Coco Martin, but only one “queen” have ruled his heart most of his life. Who else but the woman instrumental in molding Coco to become the affable, concerned, approachable and wonderful…
Daniel Padilla talks about training, preparation as he heads to Italy for “Incognito” taping
The weather might be changing constantly—literally—but Daniel Padilla is more than ready to dive into some high-octane action in his upcoming teleserye, “Incognito.” By the looks of the preparations, his grand comeback is set to deliver some serious ‘pasabog.’ Daniel…
LOOK: Ang mga anak-anakan ni Coco Martin sa loob at labas ng showbiz
He’s definitely admired not just because of how brave, virtuous, and dutiful his character Ricardo “Cardo” Dalisay is in FPJ’s Ang Probinsyano when it comes to fulfilling his job as a police officer, but with how he also prioritizes and protects his…
Priceless! Rare moments of Julia Montes with her loveable Papa
In the long-running action-drama series FPJ’s Ang Probinsyano, Julia Montes plays Mara, the loving and diligent daughter of Armando (John Estrada) and Lolita (Rosanna Roces). And just like her character, she is not afraid to show her love for her family. In…
WATCH: Highlights from Daniel Padilla’s sold-out concert
Daniel Padilla put on a show for his fans at his sold-out concert over the past weekend. Star Cinema MANILA—Push has compiled shots of some of the highlights from Daniel Padilla’s sold-out concert, that included Ian Veneracion and Jericho Rosales’ surprise…
End of content
No more pages to load