Watch the audition of Julia Montes for Goin Bulilit when she was nine years old.
Naging emosyonal sa kanyang Instagram post ang ABS-CBN actress na si Julia Montes dahil sa pagtatapos ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit.
Higit na 14 years na umere sa ABS-CBN ang Goin’ Bulilit simula noong mag-premiere ito noong February 6, 2005. Ang final episode nito ay sa August 4.
Goin’ Bulilit was created for television by Edgar Mortiz na siya rin ang nagdirek kasama ang kanyang mga anak na sina Badjie and Frasco Mortiz. Hindi napigilan si Julia na makaramdam ng lungkot dahil sa naturang show siya nagsimula noong magsisimula pa lang siya bilang isang child actress.
Heto ang post ni Julia sa kanyang Instagram account noong July 16:
“#KwentongBulilit samahang ndi mo makakalimutan… Dito ako nagsimulang mangarap, nabigyan ng pamilya at mabigyan ng pagkakataon…. Utang ko sa show na ito ang lahat lalong lalo na sa Mortiz family… Ang unang pamilyang tumanggap kay “Mara” on and off cam.. Ang batang wala namang bibo skills at mahiyain pero tinayaan ng aming Tatay na si Direk Bobot … Maraming memories sa show na to na hindi mapapantayan… Maraming nabuong pangarap, maraming lesson na ndi malilimutan… Wag po natin kalimutan manuod ng 2 huling linggo… ???? @GoinBulilitOfficial”
Noong maka-graduate na si Julia sa Goin’ Bulilit at i-build up siya bilang isang teen star, lumabas siya sa mga Kapamilya teleserye na Ligaw na Bulaklak, I Love Betty La Fea, Nasaan Ka Maruja?, Katorse, Precious Hearts Romance Presents The Substitute Bride, at Your Song Presents Gimik 2000.
Naging bida naman siya sa mga teleserye na Mara Clara, Growing Up, Walang Hanggan, Muling Buksan Ang Puso, Ikaw Lamang, Doble Kara, at Asintado.
Sa big screen naman ay nagbida si Julia sa mga pelikulang Way Back Home, The Reunion, The Strangers, A Moment In Time, Halik Sa Hangin, at Padre de Familia.
Ang iba pang graduates ng Goin’ Bulilit ay sina Kathryn Bernardo, Kiray Celis, Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Jane Oineza, Miles Ocampo, Ella Cruz, John Manalo, Eliza Pineda, Mika dela Cruz, Eunice Lagusad, Igi Boy Flores, Alfred Labatos, at Kristel Fulgar.
Ang current members ng Goin’ Bulilit ay sina CX Navarro, Ashley Sarmiento, Raikko Mateo, Josh de Guzman, Lilygem Yulores, Vito Quizon, Marc Santiago, Chun Sa Jung, Cessa Moncera, Marco Masa, JJ Quilantang, Angelica Rama, Khevynne Arias, Ynigo Delen, Carlo Mendoza, Freya Montierro, Jordan Lim, at Dagul.
Noong 2018 ay kumalat ang audition video ni Julia para sa Goin’ Bulilit. Pinakilala niya ang sarili gamit ang kanyang real name na Mara Schnittka at sinabing siya ay nine years old.