isang pangyayari sa buhay ko na sobra kong naramdaman na grabe tlga ang blessing ni LORD
Before doing #FiveBreakupsAndARomance ang dami kong tanong sa sarili ko “ kaya ko ba?” “Bakit ako?” Dahil maraming pagkakataon na ako mismo nagtatanong sa kakayanan ko.
Pero nakilala ko ang aming director na si Direk @ayrin, tinuruan nya akong pahalagahan ang sarili at paniwalaang kaya ko ang mga bagay bagay. Unang pagkakataon ko yata sa mga nagawa kong pelikula na excite akong ipakita sa mga kaibigan ko ang pelikula dahil proud ako sa proyekto at masaya ako sa pagkabukas ko bilang actor sa pelikulang kasama ang aking mahal na kaibigang si @aldenrichards02.
I will never have the chance na makatanggap ng Best Actress if not with my Best Actor kong si Lance. PAR, salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ko sa pelikula natin.
Maraming maraming Salamat po sa lahat ng nakapanuod at naappreciate ang aming pelikula. Para po sa inyo ang recognition na ito! Sana po patuloy natin supportahan ang pelikulang Pilipino !