Tanong ng mga nanood ng Ang Probinsyano: Buntis ba si Julia?

Ramdam ang wagas na pagmamahal ni Julia Montes kay Coco Martin dahil sa kanyang appreciation post sa Instagram na isinabay niya sa pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong Biyernes ng gabi, August 12, 2022.

 

“Proud na proud ako sayo!” bahagi ng mensahe ni Julia para sa aktor.

Matagal nang napapabalitang karelasyon ni Julia si Coco, na binigyan siya ng importansya sa huling eksena ng Ang Probinsyano.

Kabuuan ng mensahe ng aktres (published as is): “Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano …

“isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show…

“sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show , isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…

“mula sa pangarap lng noon , ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo …

“proud na proud ako sayo!”

Isang sorpresa para sa lahat ng mga sumusubaybay sa nagwakas na programa ang partisipasyon ni Julia sa huling eksena.

julia coco ang probisnyano

Pero nagkaroon ng mga haka-hakang nasa “interesting stage” ang aktres dahil may mga pumuna sa nagbagong korte ng kanyang katawan.

Nagkaroon ng espekulasyon noong June 2022 na buntis si Julia dahil napansin ng netizens na may mga nakatakip sa tiyan niya sa kanyang mga litrato sa Instagram.

Unang napabalitang nagsilang si Julia ng anak nila ni Coco noong 2019, pero walang pagtanggi o pag-amin mula sa magkabilang-panig.