Julia Montes admits getting starstruck working with Nora Aunor for the first time.
Julia Montes on how she handles rumors linking her to Coco Martin: “I’m not affected ‘coz… No naman po… Kasi, close naman talaga kami nung tao. Magkaibigan kami since way, way back.”
Kung naging maganda ang kapalaran ng young actress na si Julia Montes noong nakaraang taon, nakikita rin daw niyang magiging maganda pa rin ang takbo ng kasalukuyang taon para sa kanyang showbiz career.
“Ang ganda ng pagtatapos ng 2013!” bungad ni Julia.
“In general, siyempre, hindi maiiwasan na mayroong ups and downs.
“Pero ako pa yung tipo ng tao na kahit may downs, I see to it na positive pa rin ang tinitingnan ko.”
Katuwiran ni Julia, “Kunyari, may mga iyakan scenes. May mga nahuhugot, o napipitik ka sa mga downs mo before na nagagamit mo rin sa work.
“Kaya natural na lumalabas.”
FIRST SCENE WITH NORA AUNOR. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia noong isang linggo sa last shooting day nila ni Coco Martin para sa Padre de Familia, sa isang lumang mansion sa Pandacan, Manila.
Nasabi ni Julia na naging maganda ang pagtatapos ng 2013 sa kanya dahil noong Disyembre ay sinimulan ng aktres ang pagsu-shoot para sa pelikula nila ni Coco, isang family drama kunsaan kasama rin nila ang Superstar na si Nora Aunor.
“Yes, and with Tita Guy, na-starstruck ako!” bulalas ni Julia.
Paano niya ilalarawan ang unang scene na ginawa niya kasama ang Superstar?
“Subtle lang yung scene,” sagot niya.
“Hindi siya drama, hindi intense na intense.
“Makikita lang yung connection ng characters ni Ms. Nora, at yung character ko sa movie.”
Sa pelikula, gaganap si Julia bilang si Pia, ang girlfriend ni Coco. Si Nora naman ay si Aida Santiago, nanay ni Coco.
Sa pagkakataong makasama sa pelikula ang legendary actress, sabi pa ni Julia, “It’s a dream come true. Yeah! Acting-wise, super!
“I’m happy to be part of the movie,” sabi pa rin ng Kapamilya actress na napapanood sa mainstream movies at mga teleserye.
“Bago dumating ang film na ‘to, gusto ko talagang mag-indie.
“’Tapos, biglang dumating na nga ‘to. Sabi ko, ang ganda ng pagtatapos ng 2013!”