Coco Martin and Julia Montes vacation in Spain

Kinumpirma ni Julia Montes, 29, na na-enjoy niya ang bakasyon sa Spain kasama ang rumored partner na si Coco Martin, 42.

June 5, 2024 nang mag-post si Coco sa Instagram ng sweet na larawan nila ni Julia sa harap ng Casa Battlo sa Barcelona, Spain.

Tinag ni Coco si Julia at nilagyan ng heart emoji ang caption.

June 7 nang i-post ni Julia ang isa pang litrato nila ni Coco na kuha rin mula sa Spain. Naka-tag din si Coco sa post.

Coco Martin takes a vacation with Julia Montes in Spain

June 9 ay nag-post uli si Coco ng litrato nila ni Julia na magka-holding hands sa tapat ng pamasong Sagrada Familia.

Kinilig ang CocoJuls fans.

Pati mga artista tulad nina Vhong Navarro, Dimples Romana, Isabel Oli-Prats, EA Guzman, at Jake Cuenca ay nagkomento ng heart at lovestruck emojis bilang pahiwatig na natuwa silang makitang magkasama ang low-key couple.

Coco Martin and Julia Montes vacation in Spain