Kinumpirma ni Julia Montes, 29, na na-enjoy niya ang bakasyon sa Spain kasama ang rumored partner na si Coco Martin, 42.
June 5, 2024 nang mag-post si Coco sa Instagram ng sweet na larawan nila ni Julia sa harap ng Casa Battlo sa Barcelona, Spain.
Tinag ni Coco si Julia at nilagyan ng heart emoji ang caption.
June 7 nang i-post ni Julia ang isa pang litrato nila ni Coco na kuha rin mula sa Spain. Naka-tag din si Coco sa post.
Photo/s: @montesjulia08 Instagram
June 9 ay nag-post uli si Coco ng litrato nila ni Julia na magka-holding hands sa tapat ng pamasong Sagrada Familia.
Kinilig ang CocoJuls fans.
Pati mga artista tulad nina Vhong Navarro, Dimples Romana, Isabel Oli-Prats, EA Guzman, at Jake Cuenca ay nagkomento ng heart at lovestruck emojis bilang pahiwatig na natuwa silang makitang magkasama ang low-key couple.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia tungkol dito nang makapanayam siya sa 7th EDDYS Awards Night, na ginanap sa grand ballroom ng Marriot Hotel, Linggo ng gabi, July 7.
“Masaya dahil busy din naman siya, deserve niya rin ang makapagpahinga,” sabi ni Julia.
Dagdag niya, “Makapagsimba rin, yun yung isa sa na-enjoy namin.”
Sang-ayon si Julia na nagiging mas solid ang isang relasyon kapag magkasamang nagtra-travel sa labas ng bansa.
“Oo, kahit na siguro sa barkada kapag nagkakasama kayo out of the country, out of town, dun mo mas nakikilala.
“Masarap lang na kahit papaano sa busy natin, lalo na siya sa Batang Quaipo dahil ang dami niyang hats na pine-play, nakapagpahinga siya kahit papaano.
“Yun, blessed kami na kahit paano nagkaroon ng bakasyon.”
COCO MARTIN SUPPORTIVE OF JULIA MONTES
Nanalo si Julia bilang Best Actress para sa pelikulang Five Breakups and A Romance.
Ayon kay Julia, parte si Coco sa journey ng kanyang showbiz career.
“Lagi naman siyang supportive. Lahat naman siguro nang napuntahan ko ngayon, narating ko ngayon, parte naman siya.
“Una ang Walang Hanggan, siya ang nakasama ko dun.
“Hanggang nung nag-e-extra kami, kami ang magkasama. Parte rin siya talaga ng naging journey ko.”
Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang una silang magkatambal sa Kapamilya prime-time series na Walang Hanggan.
Sa tanong kung may proyekto na puwede silang pagsamahan, bukas dito si Julia.
Aniya, “Abangan ninyo, marami kaming surprises ngayong 2024, so abangan ninyo.”
Labis ang pasasalamat ni Julia sa pagkapanalo niya bilang Best Acrtress sa 7th EDDYS.
“Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Sabi ko nga, never naman akong umasa, nag-e-expect kapag ganito.
“Kasi ma-nominate ka lang or masabi lang na, ‘Napanood ko, gusto ko yung ginawa mo dun,’ yun pa lang reward na yun, e.
“Yung nangyari ngayong gabi, sobrang overwhelming for me. Parang nagkaroon ako lalo ng drive na gumawa pa ng mas marami pang film, serye para ma-share kung ano kung anong mayroon ako.”
JULIA MONTES ON KATHRYN BERNARDO
Nominado rin si Kathryn Bernardo sa kaparehong kategorya para naman sa pelikulang A Very Good Girl.
Nagkatrabaho sina Kathryn at Julia sa remake ng Mara Clara noong 2010, at sa pelikulang Way Back Home noong 2011.
Masaya si Julia at very proud sa achievements ni Kathryn, na nanalo namang Best Actress sa FAMAS noong Mayo.
“Ako, sobrang saya ko every time na nakikita ko siya na binibigyan ng parangal, nano-nominate kami.
“Ang layo na ng narating namin, yung mga pangarap namin, ako ang pinaka-proud sa kanya.
“Kung ano ang success ng isa, ganun din ang saya nung isa.
“Hindi yun nakikita ng tao sa social media pero sobrang supportive si Kathryn sa akin.”
May posibilidad bang magkatrabaho sila ulit?
Sagot ni Julia, “Yes, actually we are really praying and hoping na mayroong magandang project na ibigay sa amin.
“Iba ring makipag-work sa taong alam mo at mahal mong makatrabaho.
“Sana, hopefully soon mayroong project for us.”
JULIA MONTES UPCOMING MOVIE
Mature ang role na ginampanan ni Julia sa Five Break Ups And A Romance, habang out of the box naman ang role ni Kathryn sa A Very Good Girl.
Sa parte ni Julia, gusto niya ng iba pang mas kakaibang roles sa future projects niya.
“Actually, may dalawang naka-line up na mas matapang dun, mas magandang materyal, pero dapat abangan niyo.
“Actually, open ako sa challenges, and siguro yun kung bakit lagi kong nababanggit sa speech ko si Sir Deo kasi yun ang tinuro niya sa akin.”
Ang tinutukoy niyang “Sir Deo” ay ang namayapang si Deo Endrinal, na head ng Dreamscape, na content provider ng ABS-CBN.
“Every time na may challenges, huwag kong i-close ang sarili ko sa box, maging open ako, kasi sobrang takot ko talaga.
“Yun ang problem sa akin.
“Pero sa nangyari ngayon, parang na-realize ko na kailangan ko talaga i-open ang mga bagay-bagay para masarap ding magtrabaho palagi.”
JULIA TO RETURN TO TV ACTING
Kumpirmado ring magbabalik-telebisyon si Julia sa Kapamilya Channel.
Ayaw pa niyang magbigay ng detalye tungkol dito, pero inamin niyang espesyal ang proyektong ito para sa kanya.
“Yes, super excited, kasi bago pa pumasok ang taon na ito nasabi na, naplano na, at ngayon ginagawa na siya.
“Abangan ninyo. Pag puwede na naming i-announce, baka ma-suprise kayo.”
Paglalarawan niya sa proyekto: “Kakaiba in the sense na espesyal sa akin yung project, plus yung purpose ng project is very special.
“Mahirap lang i-disclose, pero yun ang dapat abangan kasi marami siyang activity more than the series itself.”
Sa magandang itinatakbo ng kanyang career at masayang relasyon nila ni Coco, masaya at kuntento sa buhay niya si Julia.
“Sobrang saya ko sa lahat ng anggulo ng buhay ko. Sa lahat ng blessings, sobrang blessed ko and sobrang happy,” nakangiting pagtatapos niya.
News
Daniel Padilla Drops a Bombshell: ‘Ready na ako’ to Marry Kathryn Bernardo—Is the Wedding Happening Soon?
These were Daniel Padilla’s certain words on the topic of marrying Kathryn Bernardo, his reel and real-life partner of 10 years. The two opened up about their relationship in “2Good 2gether,” a one-off special leading up to the Netflix premiere…
Julia Montes’ Surprising Move to Support Coco Martin’s Latest Project—What’s Really Going On?
Simple ang pagpakita ng suporta ni Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39. Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina…
Coco Martin Reveals 12-Year Romance with Julia Montes—But Fans Can’t Stop Talking About Their 13-Year Age Gap!
Batang Quiapo star and long-time Ang Probinsyano lead Coco Martin confirmed what many fans suspected all along: he and perennial leading lady Julia Montes have been dating for a while — 12 years to be exact. Coco and Julia rose to fame as…
Julia Montes Reveals the Unexpected Sign She’s Crushing on Someone—Can You Spot It?
Sa isang kamakailang panayam, ibinahagi ng aktres na si Julia Montes ang nakakatuwang kwento tungkol sa kakaibang senyales na nagpapahiwatig na mayroon siyang crush. Ayon sa kanya, may isang tiyak na aksyon na nagagawa niya tuwing naa-attract siya sa isang…
Mayor Francis Zamora Speaks Out on Rumors Linking Daughter to Daniel Padilla—What’s the Real Score?
Inamin ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nakarating sa kanya ang usap-usapang inuugnay ang kanyang anak na si Amanda Zamora sa aktor na si Daniel Padilla. Nababasa raw niya ang komento ng netizens at ipinararating din ng kanyang constituents…
Look back: Daniel Padilla to Kathryn Bernardo: ‘I love you Bal’
“I love you very much, Bal ko.” Daniel Padilla promised to give his unwavering support to girlfriend Kathryn Bernardo after her special birthday peformance on ASAP earlier today, March 17. Kathryn, who will turn 23 on March 26, was given a pre-birthday…
End of content
No more pages to load