Inamin ni Kim Chiu na never pa siyang nakaramdam ng unconditional love sa mga taong minahal niya noon.

Mismong kay Kim galing na dalawa lamang ang kanyang naging karelasyon: ang una ay five years at ang pangalawa ay 11 years.

Hindi man tinukoy ni Kim kung sino sila, hindi lingid sa showbiz na ang dalawang aktor na nakarelasyon niya ay sina Gerald Anderson at Xian Lim.

Pinag-usapan ang buhay-pag-ibig ni Kim sa interview sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo nitong March 16, 2024.

Inusisa ang kasalukuyang estado ng puso ni Kim.

“It’s a little empty pero okay naman. It’s ano naman… part of life and part of growing up,” sagot ng Kapamilya actress.

Kim Chiu and Vicki Belo

KIM ON HER PAST RELATIONSHIPS

Sa interview, pinag-usapan ang ugali ni Kim na sobrang maasikaso at mapagmalasakit sa mga taong minamahal — pamilya man o karelasyon.

Pakiramdam daw ba ni Kim ay kamahal-mahal siya?

“Of course. Kaya ang haba ng pasensiya ko and I give my 100 percent para in the end, wala akong pagsisisi. Wala akong regrets, just lessons learned.”

Tinanong si Kim kung hindi ba niya natatanong sa sarili kung bakit hindi nasusuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iba.

“Baka one day. Not today, not tomorrow, not yesterday,” may halong birong sagot ni Kim.

“I don’t know when. Growing up, nasanay talaga ako na I always give love.”

Ipinaliwanag ni Kim na hangad niyang darating ang panahong may lalaking lubos na magmamahal sa kanya.

“Yun lang ang gusto ko. I want to give love para someday someone will give me his unconditional love,” ani Kim.

Sa usaping puso pa rin, sinundot ng tanong si Kim kung nakaramdam na siya ng “unconditional love from anyone.”

“Not yet,” mabilis niyang tugon.

“From my ate…” pahabol niya.

Pinansin din ni Dra. Vicki ang long-term relationships ni Kim.

Pabirong tugon ni Kim, iiksian na lang niya ang kanyang mga relasyon para mas makarami.

KIM CHIU ASKED ABOUT XIAN LIM

Late last year, ibinunyag nina Kim at Xian ang pagtatapos ng kanilang 11-year relationship via Instagram posts.

Bago ito, maugong ang usap-usapang nagkahiwalay na ang dalawa.

Just recently, may mga usap-usapang karelasyon na umano ni Xian ang isang film producer, si Iris Lee.

Maingat si Kim nang matanong ukol dito.

Sagot niya kay Vicki: “Di ko alam… Wala akong idea.”

Sinubukan ding usisain si Kim sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Xian subalit mailap ang aktres.

Sagot niya sa tanong kung ano rason ng breakup nila, “Wala naman. Baka magalit siya.