Kim Chiu, nagballigi iti Seoul International Drama Awards

“That day made me realize life is short…”

Ito ang bahagi ng pagbabalik-tanaw ni Kim Chiu, 29, isang linggo matapos pagbabarilin ng hinihinalang riding-in-tandem ang sinasakyan niyang van sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Walang natamong sugat, at nakaligtas si Kim, gayundin ang kanyang driver at personal assistant.

Sa isang Instagram post ngayong Miyerkules ng umaga, March 11, nagpasalamat si Kim dahil naniniwala siyang ginabayan siya at ang dalawang kasama nang mangyari ang pananambang.

Pinasalamatan din ni Kim ang mga taong tumulong sa kanya, kagaya ng executives ng kanyang home network na ABS-CBN.

MESSAGE TO PEOPLE WHO WANT TO BRING HER DOWN

Sa kanyang Instagram post, nagpahaging din si Kim sa mga taong nais siyang hilahin pababa sa kabila ng nangyaring pagtatangka sa kanyang buhay.

Mensahe ng aktres (published as is): “Now everything is slowly unfolding and I am glad that I am alive despite……..

“I realized a lot of things., you discover people who are willing to help, people who care for you and people who just wants to bring you down.

“I don’t want to get mad at them or ‘hate’ them.

“Puno ng pasasalmat ang puso ko, Im just happy that I am here posting another IG post and thanking HIM for this Precious life!

“Tuloy ang buhay! [prayerful emoji].”

Isang araw matapos ang pag-ambush sa sasakyan ni Kim, nag-post sa Facebook ang dating TV-radio broadcaster na si Jay Sonza.

Pinagdudahan ni Sonza ang kuwento ni Kim na ani Sonza’y “napakaraming butas” at “incredible to believe.”

Nakahanap naman ng kakampi si Kim mula sa mga kapwa artista.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Kim ay sina Angel Locsin, Sushine Cruz, Sheree, David Chua, at ang mga direktor na sina Jerry Lopez Sineneng, Gino Santos, at Jose Javier Reyes.

KIM: “it was a miracle.”

Itinuturing na milagro ni Kim na nakaligtas siya at ang dalawang kasama.

“[T]hat day made me realize life is really short, life is very precious and most of all felt God’s presence he protected me, my PA and my driver,” sabi ni Kim sa kanyang post.

 

Post ni Kim (published as is): “I want to thank my abs cbn family direk lauren dyogi who picked me up at taping and secured my safety all through out and abscbn bosses tita cory, sir mark and sir carlo to my star magic family ms mariole and mr m and my handler ate edith and my sister ate lakam, to my friend ranvel rufino for urgently going on set with lawyers with him thank you sobra sa inyo.

“So many people helped me get through this I am blessed to be surrounded with these kind of people they dont have to do this ang dami na nilang pinoroblema but still they insist to help me.”

Pagpapatuloy pa ni Kim: “I want to thank tita cory and tita mariole for the continuous update. Thank you for always checking on me. Atty aby and atty edwin thank you.

“Papa God maraming salamat po.

“Now no need to be scared. kung wala ka namang ginagawang masama, there is no need to be scared. #grateful #Faith [prayerful, heart emojis]”

MISTAKEN IDENTITY?

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), sinabi ni Chief Major Elmer Monsalve ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit na posibleng mistaken identity ang nangyari kay Kim.

Pero sinabi rin ng lead investigator na inabangan at sinundan ng mga suspek si Kim bago pinagbabaril ang sasakyan nito.

Sa kanyang Instagram post noong March 4, napaisip din si Kim kung mistaken identity ba o napagtripan lang siya.

Sabi pa ng aktres, wala naman siyang kaaway kaya hindi niya maunawaan kung bakit may magtatangka sa kanyang buhay.

Bahagi ng naging post ng aktres: “I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News