Inamin ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nakarating sa kanya ang usap-usapang inuugnay ang kanyang anak na si Amanda Zamora sa aktor na si Daniel Padilla.
Nababasa raw niya ang komento ng netizens at ipinararating din ng kanyang constituents ang tungkol dito.
“Alam niyo, sige, siguro banggitin ko na rin po, yes, ang aking anak po ay nali-link kay Daniel Padilla…
“So, bilang isang ama, gusto ko sabihin sa inyo lahat na hindi po totoo yan,” saad ni Zamora bilang pagtukoy sa mga bali-balitang may ugnayan sina Amanda at Daniel.
Nakausap ng ilang entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zamora sa launching ng Charm by Dr. Joel Lopez, MD, isang beauty clinic sa Greenhills Mall, kahapon, July 31, 2024.
Giit ng alkalde ukol sa kanyang anak na babae, “Actually, hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na napapag-usapan na rin lately. At in fact, nasasama nga siya sa mga comments.
“In fact, alam ko po na nili-link po siya ng ibang mga tao. Pero bilang isang ama, ako na po magsasabi na hindi po totoo ‘yan.”
Si Amanda ay isa na ring showbiz personality.
Nakilala siya bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Connect (2021) at isa ring Star Magic artist.
Si Daniel ay isa sa prime artists ng ABS-CBN at dating boyfriend ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Inanunsiyo nila ang kanilang breakup noong November 30, 2023 matapos ang 11 taong relasyon.
MAYOR ZAMORA ON ALLEGED VIRAL PHOTOS of daniel and amanda
Kinunan din ng reaksiyon si Mayor Zamora sa umano’y lumabas na photos na magkasamang naglalakad sina Daniel at Amanda.
Pagtanggi ng alkalde, “Definitely hindi ko po anak yun, kung sakaling may mga viral photos.”
Sumang-ayon siya sa posibilidad na maaaring edited ang tinutukoy na photos.
“Oh, yes. Si Amanda has been single all her life so hindi po totoo yan,” paniniyak ng mayor.
“In fact, I’m surprised as a father. At her age, single pa rin siya kasi ano, e, very independent-minded and marami siyang gusto gawin sa buhay.
“So, kung maaalala ninyo, ang one and only major exposure naman niya sa showbiz really then was Pinoy Big Brother.
“Tapos, after that, nagkaroon siya ng movie, yung Connected under Star Magic.
“So, after that medyo, naglay-low na rin siya.”
Nagbigay rin ng update si Zamora ukol sa anak.
“She’s 23 years old. She’s now focused on her studies kasi siya po ay, in fact, nasa Amerika po ngayon.”
Sa darating na September ay sisimulan na raw ni Amanda ang kanyang Master’s degree in Marketing sa isang U.S. university.
MAYOR ZAMORA IS BEST FRIENDS WITH DANIEL AND FAMILY
Ibinunyag din ni Zamora na matalik na kaibigan niya si Daniel at ang pamilya ng aktor.
“For many years, we’ve been together. In fact, last month, tayo rin po nagkasal kay JC, yung anak ni Karla, so matagal na kami magkakaibigan.
“At si Daniel po ay kaibigan natin matalik,” lahad ng San Juan mayor.
Business partners din sina Zamora at Daniel sa isang bar sa Greenhills, ang District 8, kung saan kasosyo rin nila sina Vice Ganda, James Yap, at iba pa.
Sundot ni Zamora, “Ang mag-friends talaga, ako at si Daniel.
“Amanda has always been just a fan [ni Daniel] nung bata pa siya.”
Magkaibigan naman daw si Amanda at ang nakababatang kapatid ni Daniel na si Magui Ford.
Sundot ng PEP.ph, hindi ba kinausap ni Zamora si Daniel ukol dito lalo na’t nadadawit ang kanyang anak?
“Hindi naman,” sagot ng mayor.
“Actually, kasi alam niyo, kung alam naman nating hindi totoo, hindi na para pagtuunan pa ng pansin.
“Kasi alam naman namin talaga hindi totoo.”
Hindi ba nakikita ni Zamora ang posibilidad na magkaroon ng ugnayan sina Amanda at Daniel, lalo pa’t parehong single ang mga ito?
“Actually, hindi ko nakikita mangyayari yan,” mabilis na sagot ng alkalde.
“Hindi ko naman nakikita mangyayari yan kasi baka merong ibang mga focus din naman si Daniel ngayon.
“Mayroon na siyang bagong business at hindi ko naman din siya tinatanong tungkol sa loveife niya.”
News
Julia Montes Spills the Tea on Her Romantic Moments with Coco Martin in Spain—Is There More to the Story?
Kinumpirma ni Julia Montes, 29, na na-enjoy niya ang bakasyon sa Spain kasama ang rumored partner na si Coco Martin, 42. June 5, 2024 nang mag-post si Coco sa Instagram ng sweet na larawan nila ni Julia sa harap ng Casa Battlo…
‘What we had was real’: Kathryn Bernardo breaks silence over breakup with Daniel Padilla
MANILA, Philippines — Kapamilya star Kathryn Bernardo finally confirmed that she and long-time boyfriend Daniel Padilla have broken up. In her Instagram account, Kathryn released a statement saying she will not be entertaining questions about the breakup. “I’ve been in…
Daniel Padilla Drops a Bombshell: ‘Ready na ako’ to Marry Kathryn Bernardo—Is the Wedding Happening Soon?
These were Daniel Padilla’s certain words on the topic of marrying Kathryn Bernardo, his reel and real-life partner of 10 years. The two opened up about their relationship in “2Good 2gether,” a one-off special leading up to the Netflix premiere…
Julia Montes’ Surprising Move to Support Coco Martin’s Latest Project—What’s Really Going On?
Simple ang pagpakita ng suporta ni Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39. Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina…
Coco Martin Reveals 12-Year Romance with Julia Montes—But Fans Can’t Stop Talking About Their 13-Year Age Gap!
Batang Quiapo star and long-time Ang Probinsyano lead Coco Martin confirmed what many fans suspected all along: he and perennial leading lady Julia Montes have been dating for a while — 12 years to be exact. Coco and Julia rose to fame as…
Julia Montes Reveals the Unexpected Sign She’s Crushing on Someone—Can You Spot It?
Sa isang kamakailang panayam, ibinahagi ng aktres na si Julia Montes ang nakakatuwang kwento tungkol sa kakaibang senyales na nagpapahiwatig na mayroon siyang crush. Ayon sa kanya, may isang tiyak na aksyon na nagagawa niya tuwing naa-attract siya sa isang…
End of content
No more pages to load