MMFF 2024, hindi pa umabot sa PHP600M ang total gross?

According to reports, with only a few days left before the end of MMFF 2024, the 10 official entries have yet to reach the PHP600M mark in terms of box office. And The Breadwinner Is… is still leading in the box-office race.

GORGY RULA

Sa Enero 7, 2025, Martes, na ba ang last day ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), Sir Noel Ferrer? Wala nang extension?

Ayon sa ilang nakalap naming datos, hindi kasinlakas ang MMFF 2024 kung ikukumpara sa MMFF 2023 — na na-extend pa dahil laging puno ang mga sinehan.

mmff 2024 official entries
Hindi official itong nakuha naming figures, pero hindi pa raw umaabot ng PHP600M ang total gross ng sampung pelikulang kalahok sa MMFF 2024.

Nangunguna pa rin ang And The Breadwinner Is… ni Vice Ganda.

Pero kung ikukumpara sa mga nakaraan niyang MMFF movies, ito raw ang pinakamahinang pelikula ng Unkabogable Star.

Hindi pa naglalabas ng official figures ang MMFF executive committee, pero reliable naman ang source ng PEP Troika.

As of January 3, Friday, ay nakaka-PHP270M pa lang daw ang And The Breadwinner Is…

Sa sampung MMFF 2024 entries, ito lang daw pelikula ni Vice ang medyo nakakabawi-bawi.

and the breadwinner is poster

Photo/s: PR

Ang pumapangalawa sa box office ay nakaka-PHP100M pa lamang daw.

Hindi pa namin nakakuha ang ranking, pero ang Top 5 highest grossers ay okay pa ang kita.

Pero ang sixth hanggang panghuli ay mababa raw talaga.

Totoo kayang halos PHP4M lang ang kinita ng nasa No. 10 slot?

May ilang film producers din kaming kinulit, pero wala silang sagot dahil napagkasunduan nilang walang maglalabas ng figures.

May lumalabas na figures sa social media, pero hindi raw totoo ang mga yun, sabi ng ilang reliable source na napagtanungan ng PEP Troika.

Abangan na lang natin ang official announcement ng MMFF executive committee o ni Atty. Don Artes ng MMDA.

2ND MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

Itutuloy na kaya ang second edition ng Summer MMFF this year?

Iyong 2nd Manila International Film Festival sa California, USA, ay kasado na sa Enero 30-Pebrero 2, 2025.

Nagbebenta na ng tickets para sa Awards Gala nito sa Pebrero 2.

Maliban sa sampung MMFF 2024 entries ay may iba pang Pinoy films na ipalalabas dito.

Opening film ang Genghis Khan (1950) na idinirek at pinagbidahan ni Manuel Conde.

Naka-lineup din dito ang Hello, Love, Again, Faith Healers, A Filipino in America, The Debut, Nurse Unseen, Song of the Fireflies, at sneak WIP preview ng Love Hurts.

 

2025 manila international film festival

JERRY OLEA

Super-blockbuster ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya umabot sa PHP1.2B ang kinita ng 49th MMFF in two weeks sa 800+ cinemas.

Sa 50th MMFF ay 900+ cinemas ang pinagpalabasan ng sampung kalahok, pero walang festival entry na kasinlakas ng Rewind.

Pinasimulan ng And The Breadwinner Is… ang New Era ni Vice Ganda.

Na-nominate siyang best actor sa pelikulang ito, at pinagkalooban ng Special Jury Citation.

Si Vic Sotto, nagdrama sa The Kingdom. Walang acheche acting. Seryoso.

WEAKEST LINK?

May mga humihirit na dapat ay walo lang ang festival entries, para bawas ang naghahatian sa mga sinehan.

Ibig sabihin, hindi na dapat ipinasok ang Hold Me Close at rock musical na Isang Himala?

Iyong Hold Me Close nina Carlo Aquino at Julia Barretto ang bukod-tanging MMFF 2024 entry na walang napanalunan, at hindi na-nominate sa mga kategorya (maliban sa best picture na lahat ay understood nang nominado).

Kumbaga, iyong Hold Me Close ang weakest link sa panlasa ng labintatlong hurado sa 50th MMFF.

The 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) celebrates its golden anniversary with an expanded lineup of 10 diverse films including

Photo/s: Screengrab from IMDb

Iyon namang Isang Himala ang walang star value. Ang mga artista rito ay pawang taga-teatro.

Pero take note, ang best supporting actress ng MMFF 2024 ay mula sa Isang Himala, si Kakki Teodoro.

At nagkamit din ng iba pang mga tropeyo ang Isang Himala — 4th best picture, Special Jury Prize, best original theme song (“Ang Himala ay Nasa Puso,” inawit ni JK Labajo), at best musical score (Vincent de Jesus).

May special participation sa Isang Himala si Nora Aunor. Ang script at mga awit ay tulung-tulong na binuo nina Vincent de Jesus, Direk Pepe Diokno, at National Artist Ricky Lee.

Ang direktor nito na si Pepe Diokno ay best director ng 49th MMFF para sa GomBurZa.

The 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) celebrates its golden anniversary with an expanded lineup of 10 diverse films including

Photo/s: Screengrab from IMDb

NOEL FERRER

Nakaikot ako sa ilang sinehan ngayong Enero 5, Linggo, at pawang humahabol ang ibang kababayan natin sa panonood ng magagandang pelikulang lahok sa MMFF50.

Meron pa tayong hanggang Enero 7, Martes, para panoorin ang mga MMFF50 entries.

Pagkatapos noon, magkakaroon ng report ang MMDA/MMFF Chair Atty. Don Artes.

Ayaw kong i-preempt ang magiging final numbers, pero kailangan nating ilagay sa konteksto ang lahat.

Intindihin natin na ang box-office take ng Rewind ay talagang unprecedented, unusual, at unexpected.

Dito itinodo ang revenge viewing ng mga tao after the pandemic.

At noon, wala pa masyadong choices ng panoorin.

Iba na ang sitwasyon ngayon.

Ang dami nang choices ng panoorin, pati nga Disney Channel ay naglalabas na ng malalaki at malalakas na pelikula sa streaming.

Magpaganoon pa man, ito ang filmfest sa panahon ngayon. Yung hindi unusual.

Marami tayong matututunan sa magiging final na resulta nito.

For now, may chance pa rin tayong engganyuhin ang lahat na showing pa rin ang sampung magagandang MMFF 2024 entries na puwede pang panoorin at suportahan.

Laban pa rin. Magtulungan pa rin tayo!

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News