robin padilla kathniel

Robin Padilla on nephew Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: “Sa tagal natin sa industriya, alam naman natin lahat ng mga ganyang partnership, yung loveteam, dadaan talaga sa prosesong ganyan. Kasi, nagma-mature sila, e. Nakikita na nila yung mundo kung gaano kalawak ang mundo. Kasi dati, ang liit lang ng mundo niyan… Pero ako, alam kong magbabalikan yan.

Naniniwala si Senator Robin Padilla na magkakabalikan ang pamangkin niyang si Daniel Padilla at ang ex-girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

“Magkakabalikan yun, oo. Magkakabalikan yun!” bulalas ni Robin sa storycon ng pelikulang Gringo: The Greg Honasan Story noong Hunyo 26, 2024, Miyerkules, sa Cliffpoint Studio sa Pasig City.

“Pag gumawa ng pelikula yun, magkakabalikan yun. Ganun lang talaga.

“Sa tagal natin sa industriya, alam naman natin lahat ng mga ganyang partnership, yung loveteam, dadaan talaga sa prosesong ganyan.

“Kasi, nagma-mature sila, e. Nakikita na nila yung mundo kung gaano kalawak ang mundo. Kasi dati, ang liit lang ng mundo niyan.

“Mga bata yan, e. Mga bata yan, tapos umusbong ang pag-ibig. Di wala ka na lang nakikita araw at gabi kundi mukha nung babae, o mukha nung lalaki.

“Siyempre ngayon, iba na. Nag-mature na sila. May mga bago nang… siyempre, iba na yung mga project niyan.

“May maturity na. So, talagang expected. Expected.

“Pero ako, alam kong magbabalikan yan.”

ROBIN’S MESSAGE TO KATHNIEL

Ano ang maipapayo niya sa KathNiel?

“Sa kanilang dalawa? E ngayon, hanggang magkahiwalay kayo, mag-enjoy din kayo sa mga sarili ninyo,” tugon ni Robin.

“Habang nag-e-enjoy kayo, dun niyo malalaman — mahal niyo ang isa’t isa.”

PEP Yearender 2023: Showbiz breakups

NOEL FERRER

Sana, magdilang-anghel si Robin tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Maraming matutuwa kapag nangyari iyan dahil sadyang hopia tayo sa mga good love stories.

Sa ngayon, magiging busy si Kathryn sa shoot ng Hello, Love, Again sa Canada, at doon ay hindi niya kasama si Daniel kundi ang leading man niyang si Alden Richards.

Will absence make the heart grow fonder? We’ll see.

Magkakatotoo ba ang sinasabi ni Senator Robin? Wait and see tayong lahat.

JERRY OLEA

Nobyembre 30, 2023, Araw ni Andres Bonifacio, nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel sa Instagram ang kanilang paghihiwalay matapos ang labing-isang taon.

Take note na tinagurian si Bonifacio na Supremo, at ang IG handle ni Daniel ay @supremo_dp.

Binansagan si Daniel na “Supreme Idol.”

Kasama si Daniel sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo (MMFF 2014) na pinagbidahan ni Robin Padilla, pero wala silang eksena roon na magkasama.