Insecure umano si Daniel Padilla kay Alden Richards, sey ni Cristy Fermin.
Matagal na umanong insecure si Daniel Padilla kay Alden Richards, sabi ni Cristy Fermin.
Binanggit ito ni Cristy sa kanilang talakayan ni Romel Chika sa “Cristy FerMinute” kung saan napag-usapan na ikinukumpara ngayon ng mga fans si Daniel kay Alden.
Binanggit ni Romel ang mga komento ng mga netizen sa naging acceptance speech ni Daniel sa katatapos na Asia Artist Awards (AAA) 2023 na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan nitong Huwebes, December 14.
Kabilang sina Daniel at Kathryn Bernardo sa tumanggap ng AAA Fabulous Award kasama ng NewJeans, Stray Kids at ni Lim Young-woong.
Nang tanggapin ang award, naging maigsi lamang ang acceptance speech ni Daniel:
“Maraming salamat, thank you sa AAA. And everyone maraming salamat sa inyo. Enjoy the night and goodnight,” ani Daniel.
Pero kung si Alden umano ang tumanggap ng kaparehong award ay mapapahanga pa nito ang mga Koreano.
“Kung si Alden ang naroon, sigurado ‘yan napakaganda ng kanyang talumpati,” sey naman ni Cristy Fermin. “At pag nagsasalita si Alden, tumatawid talaga.”
Sinabi pa ni Cristy na kaya lalong napapansin si Alden ay dahil hawak pa rin nila ni Kathryn ang pinakamataas na record sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
“Hawak nila ‘yan may pinakamalaking kinita talaga ang ‘Hello Love Goodbye’,” ani Cristy. “Kaya alam mo insecure na insecure na si Daniel kay Alden noon pa man eh. Di lalo na siguro ngayon,” ani Cristy.