Vice Ganda says Kim Chiu “big blessing” to It’s Showtime

Vice Ganda welcomes Kim Chiu in It’s Showtime big time. But being Vice, he didn’t pass up a chance to rib the actress about her hosting style. Kim joined the show in September 2020.

Marami ang naaaliw sa pagiging co-host ni Kim Chiu sa It’s Showtime.

Simula nang maging bahagi siya ng noontime show noong September 2020, ilang viewers ang nakapansing mas okay ang dynamics nila sa stage.

Pero ano nga ba ang masasabi ni Vice Ganda sa hosting style ni Kim?

“Ang pangit ng hosting style ni Kim Chiu,” natatawang biro ng main host.

Dugtong niya, “But it’s okay, it’s manageable.”

Natatawa niyang idinagdag ang advantage ng pagkakasali ni Kim bilang co-host sa show na hinu-host ni Vice, kasama sina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario, since 2009.

“Alam niyo, ang laking pasasalamat ko na dumating si Kim Chiu sa Showtime. Ang laking blessing niya sa Showtime.

“Kasi, hello, 12 years, sobrang sawang-sawa na rin naman ako sa mukha ni Vhong at ni Jhong. Hindi ko na kayang mag-adjust sa dalawa.”

Hindi rin pinipersonal ni Kim ang mga jokes sa kanya ni Vice.

Sabi ng 44-year-old stand-up comedian, “Pero hindi, ang sarap ni Kim Chiu. Ang sarap niyang addition sa Showtime. Ang sarap niyang paglaruan.”

‘Tapos, ina-allow niya iyong sarili niya na paglaruan ko siya. Kasi, hindi lahat papayag, ha.

“E, iyon ang magandang dynamics sa Showtime. Walang Anne Curtis-Anne Curtis sa akin, ‘no!

“Kahit ikaw ang Dyosa sa showbiz, isisiwalat ko na ikaw rin ang may pinakamalaking bunganga sa showbiz. Iyong ganun. Walang Dyosa-dyosa sa akin.

“E, si Kim Chiu, ganun din. Walang PBB-PBB big winner dito. Si Kim, ano siya, team player, ‘tapos, family member, and, at the same time, she enjoys the show and she enjoys us.

“Nararamdaman namin iyon kaya ang dali-dali rin naming kumonek kay Kim Chiu.”

Sa halos limang buwan na co-host niya si Kim, isa sa mga naging bilin niya ay huwag masyadong praktisado sa kanyang mga spiels.

Ani Vice, “Sabi ko nga kay Kim, ‘Kim, hayaan mo lang na sumablay ka.’

“Kasi noong simula, gusto niyang ayusin ang ginagawa niya. Gusto niya na tama. Pati iyong spiels niya, nire-rehearse niya, kinakabisado niya.

“Sabi ko, ‘Ay, Kim huwag! Allow yourself to commit a lot of errors in this show. Kasi, doon tayo nakakaaliw, iyong mga pagkakamali natin. Iyong okrayan natin sa isa’t-isa.

“‘Iyon ang gusto ng mga tao, hayaan mo na. Basta pumasok ka lang dito and just be happy with everyone.’

“Kaya big blessing si Kim Chiu sa amin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa Zoom mediacon para sa grand finals ng “TNT” noong January 30, 2021.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News