Mabilis na humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress na si Alora Sasam matapos siyang kuyugin ng netizens dahil sa kanyang “insensitive joke” sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Alora Sasam-Kathniel

Si Alora ay malapit na kaibigan ng dalawa.

Nitong Biyernes, December 1, 2023, nag-post si Alora sa X (dating Twitter) ng litrato nila ni Kathryn.

Makikita sa ngayo’y burado nang post ang litrato na nakayakap si Kathryn habang ito’y may ibinubulong kay Alora.

“Shot puno mamaya. Bawat tumakas,” nakalagay sa speech balloon ni Kathryn.

Nakalagay naman sa speech balloon ni Alora, “Pwede iwan ko na lang atay ko? Balikan ko bukas.”

Dagdag pa rito ang caption na, “December 1: Philippine National Shot Puno Day.”

Alora Sasam

Marami sa netizens, partikular na ang KathNiel fans, ang hindi nagustuhan ang gawi ng pagbibiro ni Alora.

Anila, hindi ito ang tamang pagkakataon na gawing biro at katatawanan ang pinagdaraanan nina Kathryn at Daniel.

Tweet ng isang netizen (published as is), “alora posting a meme a day after kathniel confirmed their breakup while everyone is saddened. shows how insensitive she is.

“okay lang sana if hindi naman sya kilala but she’s literally one of kath’s friends. feels like she’s celebrating the break up or smthn.”

Saad ng isa, “the fans are well aware that the world won’t stop just because we’re hurting but please lang, have some little kindness and be sensitive enough. 12 years ‘to, alora!! 12 freaking years!! parang di naman nag grade 2 dyan.”

Sabi pa ng isa, “YUNG TINUTURING KANG KAIBIGAN PERO GINAGAWA KA LANG MEME SA LOWEST POINT MO. KAPAL NG MUKHA NITONG ALORA NATO LITERALLY KIMMY!”

Dagdag pa ng isa, “God bless you, @alorskieee we hope you also find peace and you’ll put your good effort in the right place, in the right way.”

Mabilis namang humingi ng paumanhin si Alora sa mga tagahanga nina Daniel at Kathryn na na-offend niya.

Aniya, “Hello po, sorry, insensitive joke po. Mali ako. Di na po mauulit. Sorry po. Deleted na po.”

KATHNIEL BREAKUP

Gabi ng November 30, 2023, magkasunod na nag-post sa Instagram sina Kathryn at Daniel para ipaalam sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang pagiging magkasintahan.

Sa kanilang statement, kapwa nila pinasalamatan ang isa’t isa dahil sa ilang taon nilang pagsasama hindi lang bilang magnobyo’t magnobya kundi bilang magka-love team, ang KathNiel.

BFF ni Kathryn Bernardo na si Alora Sasam KINUMPIRMA ANG HIWALAYAN ni  Daniel at Kathryn! - YouTube

Bahagi ng pahayag ni Kathryn, “I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me; It’s true that Deej and I have decided to part ways.

“Like any relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to were we used to be.

“It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.”

May mensahe rin si Kathryn sa fans nila ni Daniel.

Aniya, batid niyang nasasaktan ngayon ang KathNiel fans gaya ng nararamdaman nila ngayon ni Daniel.

Pakiusap niya, sana maintindihan sila ng mga ito at samahan sila sa bagong yugto na tatahakin nila na magkahiwalay.

Sa statement naman na inilabas ni Daniel, sinabi niyang hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Kathryn sa kabila ng kanilang hiwalayan.

Hindi nagbigay ng dahilan si Daniel kung bakit sila nag-break ni Kathryn.

Pero aniya, nagwakas man ang relasyon nila ni Kathryn, ang pagmamahal niya rito ay hindi matatapos.