Andrea Brillantes at Xyriel Manabat, willing magtambal at mag-kissing scene sa isang GL project

Naging viral ang mga eksena nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa Kapamilya seryeng Senior High.

Katunayan nagkaroon na ng following ang kanilang tandem bilang Tim-Poch kung saan nakaka-relate sa kanila ang LGBTQA+ community.

Ani Xyriel Manabat, napag-uusapan na raw nila ni Andrea Brillantes ang tungkol sa mga GL projects at binibiro nga raw niya ito tungkol dito. "Kinakantahan ko siya. Tinitigan ko siya sa mata. Kinikilig naman siya sa akin," birong hirit ni Xyriel.

Sa finalé mediacon ng serye, natanong naman ang kanilang co-star na si Xyriel Manabat, na isa sa mga ka-kontemporaryo ni Zaijan, kung willing siyang gumawa ng GL (girls love) project.

Ayon sa magaling na aktres, game raw siya dito.

More than doing love scenes with the opposite sex, feeling niya ay magiging mas kumportable siya na gumawa ng mga maseselang eksena kasama ang kanyang kabaro.

“Feel ko, kung ako ang tatanungin sa onscreen kissing scene, gusto ko talaga sa babae,” matapang na lahad ni Xyriel. “Kasi, feeling ko, mas komportable ako kapag ganoon. Feeling ko, mas walang ilangan, less issue, less hassle.”

Xyriel, Andrea open to work in GL series together | ABS-CBN News

Andrea Brillantes on doing GL series with Xyriel Manabat | PEP.ph

ANDREA BRILLANTES & XYRIEL MANABAT, Wish na magkaroon sila ng KISSING SCENE  sa isang GL series! - YouTube

Hirit pa niya, noon pa man daw ay napag-uusapan na nila ito ng kanyang kaibigang si Andrea Brillantes.

“Kinakantahan ko siya. Tinitigan ko siya sa mata. Kinikilig naman siya sa akin, “ birong hirit ni Xyriel.

Nagbigay naman ng kanyang reaksyon si Andrea Brillantes sa sinabing ito ni Xyriel.

“Pansin ko lang po kasi now, there’s a lot of BL series, pero hindi pa po masyadong madami sa GL,” sabat ni Andea. “If ever lang naman po, I would be comfortable doing that scene with my best friend. And si Xyriel, magaling siyang actress, e. Marami po kaming makukuha sa isa’t-isa.”

Andrea Brillantes and Xyriel Manabat Combine Their Acting Prowess in Senior  High

Bilang artista, sa palagay niya ay malaking hamon din ito sa kanyang kakayahan bilang aktres.

At sa ngayon, kumportable raw naman siya sa kanyang estado na walang ka-love team.

Paliwanag pa niya, dumaan na raw siya sa stage na marami na ring nai-partner sa kanya tulad nina Seth Fedelin, Grae Fernandez, at maging si JK Labajo.

“I think nagsimula po siya, nag-start po ang acting ko at the age of seven and parang nagkaroon na rin ako ng mga konti-konting partner sa Anna Liza. I was 10 and then, there’s Grae, JK na naging partner ko before.

“Ang dami kong pinagdaanan sa mga shows ko na lagi akong may ka-partner. Tapos nagkaroon ako ng opportunity na parang, ‘Oy, baka puwede na akong mag-solo artist.’ Parang gusto ko siyang i-explore. Ngayon super ko siyang ini-enjoy lang at mas nakikilala ko ang sarili ko bilang isang aktres at marami pa akong p’wedeng paglaruan at mas marami pa akong p’wedeng maka-trabahong bago.”

Dagdag niya, hindi raw naman nangangahulugan  na kontra na siya sa mga artistang may ka-love team.

“Pero support pa rin po ako sa mga love teams pero siguro na-realize ko lang na I think it’s not just for me being paired with a partner. I think personally, mas nakikita ko ang personal growth ko kapag mag-isa ako. Nothing against them. It’s just my personal opinion and experience ko lang po,” esplika niya. “I wanted something new at habang mas bata po ako, mas madali pong mag-explore at para rin po hindi ako maging super dependent sa partner.”

Gayunpaman, meron pa rin namang shippers ang kanilang tandem ni Kyle Echarri sa seryeng Senior High.

Aniya, ipinagpapasalamat daw niya ito dahil patuloy silang pinagkakatiwalaan ng Dreamscape Entertainment at muli silang pinagsama sa nasabing serye.

Natanong naman ang aktres kung ready na bang mag-level up ang kanilang teamup ni Kyle sa next project tulad ng pagsabak nila sa mga intimate scenes.

“I think we have established naman po na we’re not a loveteam. But thankful kami sa Dreamscape dahil sa pinagsama kami uli after two or three years. Tapos ang ganda ng role na ibinigay sa amin,” aniya.

Sey pa niya, after their ongoing series ay maghihiwalay muna sila ni Kyle.

“Si Kyle kasi, meron na po siyang upcoming project,” dugtong niya.

Hirit pa niya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye ay may aabangan na naman daw pasabog o sorpresa sa kuwento nina Obet at Sky, ang kanilang mga karakter sa nabanggit na serye.

“I think meron po naman po kayong mae-expect sa amin as individuals po. Pero sa KyleDrea fans, sobra kaming nagpapasalamat sa kanila.  I can say na meron silang puwedeng i-expect sa last week ng Senior High sa mga eksena namin ni Kyle and feeling ko magugulat sila dahil pinaghandaan po naming talaga,” paliwanag pa ni Andrea.

Ang Senior High ay hitik sa mga kaabang-abang na mga plot twists sa kanyang huling dalawang linggo.  Mapapanood ang mga last episodes sa Kapamilya Channel, TV 5, A2Z, at iWant TFC,  Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9:30 ng gabi, with the finale episode airing on January 19.

Mula sa Dreamscape Entertainment, tampok din sa trending TV series sina Daniella Stranner, Tommy Alejandrino, Baron Geisler, Sylvia Sanchez, Angel Aquino, Gela Atayde, Angeli Bayani, Desiree del Valle, Ana Abad Santos, Gerard Madrid, at marami pang iba.