Andrea Brillantes, confirmed she will date the basketball player, looking for the boy’s identity

Andrea Brillantes bet i-date si Jakob Poturnak, panawagan sa binata: I'm single now
HALATA ang kilig sa mga ngiti ni Andrea Brillantes matapos makita ang larawan ng anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.

Sa latest vlog kasi nito ay naglaro sila ng mga kaibigang sina Bea Borres, Criza Taa, at Danica Ontengco ng “Date or Pass” kung saan mamimili sila kung ide-date ba o magpa-pass sila sakaling ma-encounter ang male celebrities na nabanggit ni Blythe.

At isa nga sa mga kinakiligan nina Andrea, Bea, Criza, at Danica ang 19 year-old Baseball player na si Jakob.
Fashion PULIS: Date or Pass? Andrea Brillantes Open to Date Jakob Poturnak,  Leaves Doors Open to BFF Kyle Echarri
Lahat sila ay DATE ang isinagot kahit na mas bata sa kanila ang binata.

“I would definitely date him,” saad ni Andrea.

Kwento pa niya, nagkaroon na raw sila ng encounter noon ng binata kasama si Bea ngunit sa kasamaang palad ay may dyowa siya noong mga panahong ‘yon.

“Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko ‘yung ex ko nun,” chika ni Andrea.

Dagdag pa niya, “Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya ‘Hey, I’m Jakob.’ Oh my God. Gwapong-gwapo na ako sa kanya dati pa.”

 

Makikitang ngiting-ngiti si Andrea habang binabalikan ang naging pagkikita nila noon ng binata.

Samantala, tila mas naging matapang naman na ngayon ang dalaga sa pagpapakita ng interes na maka-date si Jakob.

“Hi, Jakob! If you’re watching, I’m single now,” sey ni Andrea.

Maging si Criza ay hindi kinakaya ang pagiging straightforward ng kaibigan.

“Ang tapang mo. Akala ko ba single era tayo?” sabi ni Criza kay Andrea.

Depensa ng dalaga, “Date lang naman… Pero if taken ka, baka pwede ‘yung sister mo na lang. I would date Erika.”

Wala pa namang pahayag ang binata sa hayagang pagpapakita ng paghanga ni Andrea sa kanya.