Andrea Brillantes

Hindi pinalampas ng talent management ni Andrea Brillantes ang kumakalat na fake tweets na inuugnay sa Kapamilya actress.

Si Andrea, 19, ay nasa ilalim ng talent management ni Becky Aguila.

Sa opisyal na pahayag ng Aguila Artist Management nitong May 13, 2022, nakasaad ang screenshots ng mapanirang tweets ni Andrea na may Twitter handle na “@iamandrea_b” at user name na “Andrea Brillantes.”

Makikita ritong pinalalabas na nakikipagbangayan si Andrea sa kanyang detractors gamit ang mga di magagandang salita.

Andrea Brillantes, binalak kasuhan si Ogie Diaz? Talent manager,  nag-react!-Balita

Saad ng poser, “Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga BOBO!”

Ogie Diaz, pinayuhan si Andrea Brillantes sa himutok nito sa mga showbiz  newbies na sikat agad | Pikapika | Philippine Showbiz News Portal

May hirit din na, “Okay lang may bold, at least di palamunin sa bahay.”

Pati ang presidential daughter na si Kitty Duterte ay idinamay pa ng poser.

Sabi ng poser, “Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences.”

Bash pa nito, “At Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magnanakaw pa!”

Ang official Twitter handle ni Andrea ay @andrea_b.

Pero idiniin ng Aguila Artist Management na edited ang malisyosong tweets na ito kunsaan ginamit ang Twitter handle ni Andrea.

Narito ang kabuuang pahayag ng management ni Andrea:

“May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.

“Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.

“Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.

“Pinaalalahan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber libel at may karampatang parusa.

“Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon.

“Maraming salamat po.”

Andrea Brillantes