Ipinagkibit-balikat na lamang ni Barbie Forteza ang isang mapanirang Facebook post tungkol sa hiwalayan diumano nila ng boyfriend na si Jak Roberto.
Sa kanyang Twitter kahapon, July 29, ibinahagi ni Barbie ang balita mula sa isang FP page na kaduda-duda.
Nakasaad ditong naghiwalay raw ang Kapuso couple dahil hindi umano binati at binigyan ng regalo ni Jak si Barbie sa kanilang monthsary.
Napag-usapan daw kasi nilang buwan-buwan ay magkakaroon sila ng exchange gift tuwing monthsary nila.
Nakasaad sa pekeng Facebook post: “JUST IN: Barbie Forteza and Jak Roberto announces breakup after four-year relationship.
“Forteza said that the reason of their breakup was because the actor forgot that it was actually their monthsary today. | via GMA News”
May kasama pa itong quote card na animo’y pahayag niya sa hiwalayan.
Ayon pa sa diumano’y statement ng Kapuso star: “Monthsary po kasi namin.
“Napagusapan po namin na hindi na po yearly kundi monthly dapat ay may exchange gift pero di nya po ako binati at nakalimutan nya.
“I know my worth and I had enough kaya po ako nakipag-break kesa naman po maging toxic diba? Sana po masaya siya
“BARBIE FORTEZA, July 28, 2021 on why she broke up with longtime boyfriend Jak Roberto.”
Sa caption ng kanyang Twitter post, binulugan ni Barbie ang numero ng reacctions, comments, at shares ng nasabing pekeng post.
Aniya, “125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome.”
FOUR YEARS AND COUNTING
Apat na taon na ang relasyon nina Barbie at Jak. Ipinagdiwang nila ang kanilang fourth anniversary noong May 19, 2021.
Sa kanyang Instagram post, ginawan ng tula ni Barbie ang nobyo bilang pagbati noong araw mismo ng kanilang anibersaryo.
Mababasa sa post ni Barbie:
“Four years.
“Four years na kitang kasama.
“Four years na tayong nagtatawanan.
“Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema.
“Four years na tayong nagsspicy noodles.
“Four years na tayong masaya.
“FOUR YEARS NA AKONG MASAYA.
“Sana FOUREVER na.”
Sabi pa niya sa nobyo, “Ano sa tingin mo? @jakroberto Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! I love you.
“p.s. Throwback photo nalang muna from our Coron trip 3yrs ago”
May sweet na mensahe rin si Jak para sa girlfriend.
Nangako siyang si Barbie na ang “THE ONE” sa kanya.
Ani Jak, “Too many to mention mahal ko.
“Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa pag intindi at salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin!
“Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!!!”
News
“The Lord of Pretense” Mavy Legaspi ‘feliz’ pela ex Kyline Alcantara, Kobe Paras
MANILA, Filipinas — O ator e apresentador Mavy Legaspi só tem palavras gentis para sua ex-namorada Kyline Alcantara, que atualmente está namorando o jogador de basquete Kobe Paras. Kobe confirmou a verdadeira relação entre ele e Kyline durante uma entrevista…
Mavy Legaspi expressed his displeasure about the relationship between Kyline Alcantara AND Kobe Paras
Mavy Legaspi Expresses Displeasure Over Kyline Alcantara and Kobe Paras’ Relationship? Recently, fans have been buzzing about Mavy Legaspi’s rumored displeasure regarding the budding connection between Kyline Alcantara and Kobe Paras. Mavy, who has long been speculated to be close…
Carmina Villaroel May Binatawang Salita para kay Kyline Alcantara! Si Carmina Villaroel ay lumalampas sa gilid. Panoorin ang Video
Carmina Villaroel, May Binitawang Salita para kay Kyline Alcantara! Carmina, Lumalampas sa Gilid para Protektahan ang mga Mahal sa Buhay Isang mainit na usapin ang kumakalat ngayon tungkol kay Carmina Villaroel at ang kanyang naging komento patungkol sa batang aktres…
Vaness Del Moral, Benjie, Bunny Paras?! are siblings…What?
Napagkamalang Magkapatid sina Benjie at Bunny Paras: Isang Nakakatawang Insidente kay Vaness Del Moral Kamaka-kailan lang, isang nakakatuwang insidente ang nangyari kay Vaness Del Moral kung saan napagkamalan niyang magkapatid ang aktor at dating PBA player na si Benjie Paras…
TRENDING VIDEO: Toni Gonzaga NAGSALITA Na KUNG BAKIT Binura Ang Video Sa Naging Panayam Niya Kay Carlos at Chloe!
Toni Gonzaga Nagsalita Na Kung Bakit Binura Ang Video Sa Naging Panayam Niya Kay Carlos at Chloe! Nagulat ang mga tagahanga ng online talk show ni Toni Gonzaga, ang “Toni Talks,” nang mawala ang episode na tampok ang dalawang beses…
Bea Alonzo e Dominic Roque teriam terminado, segundo Boy Abunda
Bea Alonzo and Dominic Roque have gone their separate ways, according to TV personality Boy Abunda. Bea and Dominic’s breakup news was reported during Tito Boy’s Fast Talk With Boy Abunda on Tuesday, February 6, 2024. “I was shocked. I was overwhelmed with emotions. […] Isa pang…
End of content
No more pages to load