Barbie Forteza’s mother, sister post cryptic messages, After knowing that my daughter just broke up with her boyfriend,… what should I do with my stomach?

Barbie Forteza’s mother, sister post cryptic messages

Barbie Forteza's mom, sister post cryptic message after breakup with Jak

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang makahulugang posts ng ina at kapatid ni Barbie Forteza sa gitna ng announcement ng aktres na break na sila ng longtime boyfriend niyang si Jak Roberto.

Pitong taon ang itinagal ng relasyon nina Jak at Barbie na kung tawagin ng kanilang mga tagahanga ay JakBie.

Inakala ng marami na sila na ang magkakatuluyan dahil sa tatag ng kanilang samahan.

BARBIE FORTEZA’S annoucement of breakup

Ngunit ginulat ni Barbie ang publiko kahapon, ikalawang araw ng Bagong Taon, January 2, 2025, nang ianunsiyo niyang tinapos na nila ni Jak ang kanilang relasyon.

Masakit man, pero tila maayos ang pag-uusap nila bago nila tinuldukan ang kanilang relasyon.

“Beautiful goodbye” pa nga kung tawagin ni Barbie ang kanilang breakup.

Bahagi ng post niya sa Instagram, “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.

“Your love was exceptional.

“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.

“Beautiful goodbye, @jakroberto”


 

Ikinalungkot at ikinabigla ng maraming netizens ang breakup ng Kapuso couple.

BARBIE FORTEZA’S MOM IMELDA, SISTER GABRIELLE CRYPTIC MESSAGES

Sa kabilang banda, naintriga ang netizens sa Instagram Story ng ina ni Barbie na si Imelda Forteza ilang oras matapos ang announcement ng aktres.

Mensahe nito, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit.”

Kapansin-pansin na ang “n’t” ng salitang “didn’t” ay nilagyan ni Mrs. Foteza ng malaking “X” kaya ang mababasa na lang ay “did.”

Dinugtungan din niya ito ng “I’M SO PROUD OF YOU.”

Barbie Forteza's mom post
Isang araw bago ang announcement ni Barbie, noong January 1, 2025, nag-post sa X ang kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza ng larawan ng aktres na nakatingalang humalakhak

Caption niya, “Gusto ko happy ka.”

Sagot ni Barbie, “Hahahahahaha!!!”

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Jak sa hiwalayan nila ni Barbie.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News