Bata pa lang ay pangarap na raw ng batikang direktor na si Chito Roño na gawin ang Darna kung kaya’t nang ialok sa kanyang idirek ang Kapamilya primetime series na Mars Ravelo’s Darna ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

chito rono jane de leon darna

Sa grand presscon ng Darna sa Dolphy Theater noong August 8, 2022, ibinahagi ni Direk Chito na malaking parte ng kanyang kabataan ang iconic Pinay superhero.

“Talagang fan ako ng Darna kahit nung komiks pa. Lahat kami nagbabasa ng komiks.

“Bago pa isinapelikula ni Vilma [Santos] yung pelikula, nabasa ko na sa komiks.

“Kami ng lola ko, laging magkatabi nagbabasa ng komiks.

“Anyway, aside from Darna, I read other Ravelo’s plays, yung komiks niya, that’s why when it was offered to me, I got excited like a kid again.

“Sabi ko, ‘Sige na nga, gagawin ko na.’ So, I dared myself to do it, kumbaga, kabataan ko pa pangarap ko na gawin ang Darna. ”

Naniniwala si Direk Chito na nakita ng ABS-CBN ang ganda ng materyal kung kaya’t kahit dumaan sa maraming pagsubok ang muling pagsasatelebisyon ng Darna, hindi ito binitawan ng network.

“Gusto ko lang sabihin, it took ABS a long time to produce this project series, but because I think they cannot let go, because this is one of the most exciting materials they have.

“I don’t blame them for bearing time and difficulties, but I assure you that you willl be enjoying Darna the series,” pahayag ng direktor.

Matagal nang gustong gawin DIREK CHITO RONO FAN NG DARNA | HATAW! D'yaryo  ng Bayan

DIRECTING NEW STARS

Kilala si Direk Chito bilang mahigpit, prangka, at madalas ay pinapagalitan ang mga artista sa set pag nagkakamali.

Ayon sa direktor, ginabayan niya ang mga baguhang cast ng Darna, partikular na sina Jane de Leon, Janella Salvador, at Joshua Garcia, pero bilib daw siya sa husay at propesyunalismo ng mga ito.

“Hindi ko naman sila kilala nung una, e. Like baguhan na artista, parang you guide them intently para hindi sila magkamali nang malaki, and then you let them fit into the roles that they are playing and the characters they are portraying.

“Medyo may ganung factor sa kanila, kahit na kina Jane and Janella, kasi it’s my first time to work with them, we have to design the character for Darna and Valentina, even Ding and Joshua.

“Everybody had to go through the.process of learning how to deal with their characters.

“Very cooperative, wala naman kaming problema. Everybody is… except for Joshua whom I worked in Regal before, everybody was first time sa akin.”

Naidirek ni Chito si Joshua sa horror film na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan, na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan.

Pinuri rin ni Direk Chito ang nakitang passion at pagiging bukas ni Jane na gawin ang lahat para sa karakter nito bilang Narda/Darna.

“Jane worked hard for this for her role in this series,” pakli niya.

“Ang problema kay Jane, she had to balance being Narda and being Darna. Talagang mahirap.