Usap-usapan ngayon na nanganak na ang aktres na si Julia Montes, 24, at nangyari ito rito mismo sa Pilipinas.
Malakas din ang kutob ng showbiz insiders na ang ama ng isinilang ng dating Star Magic star ay ang secret boyfriend niyang si Coco Martin, 37, ang tinaguriang King of Primetime ng ABS-CBN dahil sa pamamayagpag ng pinagbibidahan nitong FPJ’s Ang Probinsyano.
Taong 2015 nang unang umugong ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.
Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.
Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.
Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.
Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
Nakasama nila rito sina Kim Chiu, KC Concepcion, at Jake Cuenca. Tumagal ng walong buwan sa ere ang teleserye na nagkaroon pa ng Book Two.
2015 naman nang magkasama ang dalawa sa “Yamishita’s Treasure” episode ng Wansapantaym.
Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.
Ngunit ayon sa mga nakakakilala sa kanila, naging close sina Julia at Coco at mayroong relasyong higit pa sa pagkakaibigan lamang.
JULIA LEAVES STAR MAGIC
October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.
Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.
Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.
Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.
December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.
News
SA Wakas! KATHRYN BERNARDO UMAMIN nang MAY ANAK na SILA ni DANIEL PADILLA! It’s A Baby GIRL!!
Matapos ang matagal na pananahimik at maraming espekulasyon, sa wakas ay inamin na ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo na mayroon na silang anak ni Daniel Padilla! At hindi lang basta anak—isang baby boy! Ang balitang ito ay ikinagulat at ikinatuwa ng…
Daniel Padilla Subtly Confirms He and Kathryn Bernardo Have Welcomed Their First Daughter-n
Matapos ang matagal na panahon ng spekulasyon at pagtatanong ng mga tagahanga, kinumpirma ng magkasintahan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na sila ay mayroon nang anak na babae. Sa isang eksklusibong panayam, ibinahagi ng dalawa ang kanilang saya…
Fans Speculate About ‘Baby Popoy’ After Sharon Snaps Party Pics with Coco Martin, Julia Montes
The Internet is in a frenzy because of Megastar Sharon Cuneta‘s latest Instagram snaps! Sharon shared a couple of photos with her Ang Probinsyano co-stars, and some of the biggest celebrities in the industry like Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. But what is interesting about Sharon’s…
Coco Martin Confirms for the First Time that Julia Montes is Pregnant with Their Second Child-n
Hindi pa rin namamatay ang isyung buntis umano si Julia Montes sa ikalawang anak nila ni Coco Martin. Base ito sa comments ng mapanuring netizens na napansing tila may baby bump si Julia sa latest photos nito. Present si Julia…
Oh my god, Nadine Lustre has her manly hair cut at the 2024 fashion show, netizens are calling her ex-boyfriend James Reid’s name so similar
NADINE LUSTRE IN HER SHORT HAIR ERA Award-winning actress and style icon Nadine Lustre has once again proven why she is considered one of the most influential figures in the Filipino entertainment industry. At the recent BYS Fashion Week 2024,…
Sino Ang Mas Mayaman? Kathryn Bernardo o Andrea Brilllantes? (House, Car, Net Worth)
Sino ang Mas Mayaman: Kathryn Bernardo o Andrea Brillantes? (House, Car, Net Worth) Ang dalawang sikat na aktres sa industriya ng showbiz sa Pilipinas, Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes, ay parehong may tagumpay sa kani-kanilang mga karera. Parehong magaganda at…
End of content
No more pages to load