Eagle Riggs revisits Palawan five years after traumatic accident

Eagle Riggs revisits Palawan five years after traumatic accident

Eagle Riggs

Binalikan ng TV host-comedian na si Michael “Eagle” Riggs ang Puerto Princesa City, Palawan kunsaan naaksidente siya noong August 2019.

Eagle Riggs
Isang motorsiklo na minamaneho ng construction worker na nagngangalang Rey Vincent Pacaldo ang nakabangga kay Eagle habang tumatawid ito sa sa Rizal Avenue Extension sa Barangay Bancao-Bancao.

Unang dinala si Eagle sa Ospital Ng Palawan para sa paunang lunas bago siya nilipat sa Cooperative Hospital kunsaan inoperahan ang kanyang kanang binti.

Mahigit na isang taon daw siya nagpa-physical therapy para maging maayos ang kanyang pagtayo at paglakad.

Five years after ay nagkaroon ng lakas ng loob si Eagle na bumalik sa lugar kunsaan siya naaksidente.

EAGLE FEELS IT’S TIME TO CONQUER HIS FEARS

Sa naging panayam namin kay Eagle via Facebook Messanger last November 22, nasabi nito na panahon na raw para harapin niya ang nakaraan para unti-unting mawala ang kanyang takot.

Ayon kay Eagle: “After five years, may takot pa rin. May kaba pa rin. But i felt like i need to face my fear.

“Sa totoo lang, ayoko ngang daanan yung street na pinangyarihan ng accident, pero sabi ko sa sarili ko na this is the time to see the place since nandun na din ako.

“And I would like to thank the people who were there to help me kasi one month and a half ako nasa Puerto Princesa bago ako pinayagan mag travel ng doctor.”

Eagle Riggs
Yolanda Costin
Nagkaroon si Eagle ng phobia na kung tawagin ay dystychiphobia or fear of accidents.

Ayon sa Cleveland Clinic: “With this specific phobia, you feel anxious when you think about or see a place where you fear have had a past traumatic experiences with accidents. You can overcome fear of accidents with exposure therapym cognitive behaviorial therapy and other treatments.”

EAGLE ON OVERCOMING TRAUMA AND DEPRESSION

Dahil sa aksidente, dumaan sa matinding trauma at depression si Eagle.

“Ayoko makarinig ng motorsiklo, takot ako tumawid. Nanginginig ako ‘pag mag-isa lang ako sa street.

“It took me siguro six months bago ako nakabalik sa normal.

“And it took me a year and a half of therapy. Pero up to now, hirap pa din ako umakyat ng hagdan at tumakbo.”

Pero ang pinaka-purpose din ni Eagle para balikan ang lugar ng aksidente ay para na rin sa kanyang physical, mental and spiritual healing.

“Ang sarap. Iyak ako nang iyak sa mga taong hindi ko kilala, pero nandoon sila noon for me and up to now, nandyan pa rin sila.

“It’s time to thank them for their kindness,” diin ni Eagle.

EAGLE BELIEVES FORGIVENESS IS NECESSARY FOR TOTAL HEALING

Tungkol naman daw sa taong bumundol sa kanya, napatawad na raw niya ito dahil naisip niya na wala naman daw itong rason para saktan siya. Isang raw itong aksidente na hindi rin ginusto ng sinuman na mangyari.

Eagle Riggs
Ronaldo Pacaldo

“To be honest, noong una hindi ko siya napatawad. Pinakulong ko pa siya, pero noong pumunta siya sa hospital para mag-sorry, doon ko naramdaman magpatawad.

“Sabi ko, aksidente nga, e. Wala siyang reason to hurt me. Mas mabilis ang healing physically if you are also healing your feelings.

“Mas naging maunawain ako sa tao. Mas natutunan ko umintindi ng mga situwasyon. Mas lumakas ang faith ko.”

EAGLE STILL REMEMBERS THE DETAILS FROM THAT FATEFUL NIGHT

Binalikan pa ni Eagle ang naganap noong gabing iyon. Wala nga raw siyang naramdaman na kakaiba bago naganap ang aksidente sa kanya.

“Wala akong naramdaman na iba. It was just an ordinary night. Galing ako sa isang bar kunsaan naganap yung show kaya ako nasa Puerto Prinsesa.

“Naglakad ako pauwi kasi walking distance lang ang hotel ko across the street. Kumain ako ng lugaw, which i always do every night doon kasi three days na ako nandoon, kasi malapit lang sa hotel at bumili ako ng mineral water.

“Ang huling alam ko, tumawid lang ako, then upon reaching the gutter…Boom! Bigla na lang may bumunggo sa akin na ubod ng lakas! Gano’n kabilis ang pangyayari!

“Pag dilat ko nakahiga na ako sa kalsada. Sabi ni Haidie [Panuncial], yung nagtitinda ng lugaw, kitang-kita niya akong tumilapon sa ere!

“Dali-dali niya ako kinalong kasi akala niya sabog ang ulo ko. Tapos, nung tumatayo ako, nag-worry agad ako sa nakabunggo sa akin. Yun pala ako yung mas may malalang epekto.”

Hindi nga raw mapakaniwala si Eagle sa nangyaring iyon at kailangan pa niyang sumailalim sa isang major operation. At magiging matagal daw ang paggaling niya.

“Sinabihan ako ng doctor na it will be a 9-hour operation. Makakalakad daw ako kung magte-therapy ako.

“And it will take time bago ako makalakad ng normal because of my age. I must use a wheelchair, crutches, walker and then walking cane.

“Nagpalakas ng loob ko kung bakit ko kinaya ang pagsubok na ito ay ang mommy ko, ang anak ko at ibang family members. Nandiyan din ang mga kaibigan natin na nagpadala ng tulong at ng mga messages na mas nagpalakas pa sa akin.”

EAGLE BELIEVES HIS ACCIDENT HAS ITS “PURPOSE”

Naniniwala raw si Eagle na may purpose ang Panginoon kung bakit nangyari sa kanya ang aksidente iyon.

“God works in mysterious ways. May dahilan Siya kung bakit ako na aksidente.

“Aalisan ka Niya, pero papalitan ka Niya ng iba. Mas malaki at mas swak sa iyo.

“God is good all the time. We just have to trust the process and His ways.

“Kung hindi dahil sa nangyaring iyon sa akin, hindi ko makikilala ang mga mababait na tao sa Palawan na umampon sa akin habang nagpapagaling ako sa ospital.

“Maraming salamat kina Yolly Costin, Eddie and Brent Moorcroft, at kay Haidie Panuncial. And kay Dr. Reblando na nag-opera sa akin. Sila ang mga naging angels ko doon.

“Next na balik ko, gusto kong makausap si Reynaldo [Pacaldo] to check kung maayos na ba siyang magmaneho,” pagbiro pa niya.

EAGLE THANKFUL FOR BLESSINGS, LOOKS FORWARD TO ACTING/REKINDLING SHOWBIZ CAREER

Tuluy-tuloy pa rin daw ang pagdating ng mga blessings kay Eagle. Bukod sa magkakasunod na mga hosting jobs sa mga events sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, nami-miss din daw niyang umarte sa TV at pelikula.

Taong 2018 pa raw siya huling nakagawa ng tatlong pelikula: Lodi, To Love Some Buddy at Bakwit Boys.

“Ngayon kasi, I don’t get too much roles like noon, kasi nga may limp pa din ako ng konti.

“But i still enjoy hosting events kunsaan-saan. Mostly out-of-town shows. Last summer, na-invite pa nga ako sa Malacañang Palace to host their singing contest.

“But i still miss acting. Sana makabalik tayo in God’s perfect time.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News