Kung mabibigyan ng pagkakataong ma-feature ulit ang life story ni Alden Richards sa Magpakailanman, mas pipiliin ng aktor na iba ang magbigay-buhay sa kanyang kuwento.

alden richards and joshua garcia

“Si Joshua Garcia nasa GMA na, bakit hindi siya, di ba?” bulalas ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 21, 2023, sa ginanap na Zoom mediacon para sa Magpakailanman.

Si Alden ang bida sa apat na bagong episodes ng Magpakailanman simula August 5, 2023.

Sampung taon na ang nakaraan mula noong ma-feature sa Magpakailanman ang kanyang life story noong 2013. Kaya naman open siya na magkaroon ito ng Part 2 na “feel-good episode yet inspirational.”

Alden Richards wants Joshua Garcia to... - Kapuso Celebrity | Facebook

Aniya, “Parang gusto ko po sana na kung yung unang part po ng buhay ko is, 2013 pa po iyon, e, ten years ago na po ipinalabas yung life story ko po…

“Kasi dun po, parang life story ko po when we were kids, mahirap po kami, yung condition po ng mom ko towards her deathbed, tapos nag-start po akong naging artista, etc.

“So kung may second part man po, sana from that part going na to where I am po now. Sana ganun.”

Siyempre, nais pa rin niyang maipakita ang ups and downs na kanyang pinagdaanan.

Alden Richards wants Joshua Garcia

Paliwanag ng Kapuso actor, “Siyempre, the journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey. Lagi yang, kumabaga Yin and Yang yan.

“In every good, there’s always a bad. And in every bad, there’s always a good. So it’s a cycle, it’s a continuous journey and yun po.”

STAYING GROUNDED

Halos lahat ng mga pinangarap niya, naabot na niya. Pero paano niya napapanatiling nakatuntong ang mga paa niya sa lupa?

Sagot ni Alden, “Utang na loob po. Yung utang na loob ko sa mga tao na gumawa para maging…na tinulungan po ako para maging posible yun.

“Yung hindi ko siya nakuha, of course, by myself alone, hindi ko po kine-credit na ako lang lahat ito, e. Hindi.

“Kumbaga itong success ko po is a collective effort of all the people who love me and supported me.”

Ang pagtanaw ng utang na loob din ang nakita niyang paraan para hindi lumaki ang kanyang ulo dahil sa mga tagumpay na tinatamasa.

Sa pagpapatuloy niya, “I think isa po yun sa mga reasons na nagga-ground po sa akin, para hindi… kasi ganun yun, e.

“Feeling ko po kasi, from my point of view lang po ito, opinyon ko lang po, kapag lahat ng bagay, lahat ng mga success mo in-attribute mo sa sarili mo, dun ka yayabang.

“Parang pag… dahil sa akin kaya may ganito, dahil sa akin kaya ganyan, dahil sa akin kaya naging successful ito. So actually kinikilabutan po ako pag pumapasok sa isip ko na i-credit yung sarili ko.

“Hindi ko kaya. So iyon po yung isa sa mga napangalagaan ko sa sarili ko, yung utang na loob. Napaka-importante, kahit na itong mga taong ito hindi humihingi ng kapalit, I think those people are the ones na dapat talagang alagaan sa buhay mo.

“Yung tumutulong ng walang kapalit. Iyon po yung mga dapat inaalagaan. And those people are the ones who are keeping me grounded most of the time.”

magpakailanman episodes

Samantala, tinanong din ng PEP.ph si Alden kung kaninong life story ang gusto niyang bigyan ng buhay sa Magpakailanman.

“Sa ngayon po siguro, si FLG, si Mr. Gozon! Okay yun,” ang tumatawang sagot ni Alden na ang tinutukoy ay si Mr. Felipe Gozon, ang chairman at CEO ng GMA Network.

“Si Mr. Gozon po, i-portray natin ang buhay ni Mr. Gozon. Kung papayag po si Boss.”

Ang apat na episodes ng Magpakailanman ni Alden ay ang “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story,” kung saan kasama niya si Sanya Lopez, sa direksiyon ni Neal del Rosario.

Pangalawa ang “Epal Dreamboy: The Richard Licop Story,” kasama si Lotlot de Leon, sa direksiyon ni Irene Villamor.

Pangatlo ang “The Lost Boy,” sa direksiyon rin ni Irene Villamor. Maipapakita rito ni Alden ang kanyang “other side” dahil gaganap siya bilang isang lalaking mapapadpad sa buhay na puno ng krimen.

At pang-apat ay ang “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story,” sa direksiyon ni Gina Alajar.

Ang month-long special ng Magpakailanman ay magsisimula na sa August 5, 2023, 8:15 ng gabi sa GMA.

Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network