Andrea Brillantes admits crush on Paul Salas before

May panibagong pag-amin ang aktres na si Andrea Brillantes tungkol sa naging celebrity crush niya noong bata pa siya.

Sa bagong upload na vlog ni Ivana Alawi na may titulong “KING CRAB MUKBANG + JUICY Q&A WITH ANDREA BRILLANTES” nitong nakaraang September 22, 2023, diretsong inamin ni Andrea na crush na crush niya noon si Paul Salas.

Naitanong kasi ni Mona Alawi, kapatid ni Ivana na kasama nila sa mukbang vlog, kung sino ang first crush nito.

Andrea Brillantes says Paul Salas was her first crush

Sabi ni Andrea, “First crush ko, ako po Paul Salas.

“Paul Salas kasi nag-audition po ako noon sa Marimar, hindi ako nakuha.”

Ang Marimar ay ang Kapuso primetime serie na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes taong 2007.

March 2003 ipinanganak si Andrea kaya tama ngang apat na taong gulang lamang siya noon.

Kuwento pa ni Andrea, “Pero napansin po ako ni Sir Dingdong, kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos ang kasama ko dun si Paul Salas.

“Siguro mga four or five years old lang yata ako nun, tapos crush na crush ko talaga siya.”

Paul Salas on Andrea Brillantes saying he was her childhood crush | PEP.ph

Tanging nasambit ni Ivana sa pagkabigla, “Four years old?”

Ayon pa kay Andrea, “Crush ko talaga si Paul Salas, e. Oo.

“Crush na crush ko siya noon. Pero ngayon, hindi na.”

Hirit naman ni Ivana, “Sorry, Paul, nung four years old lang.”

Noong August 21, 2023, sa kanyang “ Date or Pass” vlog, tahasang inamin ni Andrea na crush niya ang binatang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.

Pag-amin ni Andrea sa vlog, hanggang ngayon ay crush pa rin niya si Jakob.

Aniya, “I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya, ‘Hey, I’m Jakob.’

“Guwapung-guwapo na ako sa kanya dati pa.”

Mensahe pa niya kay Jakob, “‘Hi, Jakob! If you’re watching I’m single now.’”

netizens si Andrea dahil parang nakatuon na lamang daw ang pansin niya sa mga lalaki.

Depensa ni Andrea, para sa content lamang ang nasabing vlog na sineryoso ng mga nakanood.

Aniya, “But just like what I stated in my video, I am not looking for anything or anyone right now.

“I’m happily single and enjoying my youth. It was just for content and entertainment.”

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang magkahiwalay si Andrea at ang ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero.