Para kay Direk Antoinette Jadaone, walang misunderstanding na hindi naaayos ng bukas at maayos na usapan.

Nang lumabas ang isyu na ayaw daw makatrabaho ni Direk Cathy Garcia-Molina sina James Reid at Nadine Lustre kunsaan nasangkot ang pangalan nila Direk Tonet at Direk Dan Villegas, agad palang tinawagan ni Direk Tonet si Nadine upang klaruhin ang isyu.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang direktora sa nakaraang Since I Found You media conference na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Pag-amin niya, “Affected? Di naman affected nang bonggang-bongga.

How Antoinette Jadaone Dealt With The Jadine Movie Issue

“Ang ginawa ko nung lumabas yun, kinausap ko agad si Nadine.

“Yun ang first instinct ko. Nasa soap pa nga ako nun, nagdi-direct ako, ‘tapos di ako makapag-direct.

“’Hala, kailangan kong makausap si bakla.’ [Nadine]

“Tinext ko siya, ‘Teh, may ginagawa ka ba?’

“Sabi niya, ‘Ay, Direk, nasa shoot ako.’ Minessage ko siya after.

“Dapat naman ganun, e.

“Kasi pag mauunahan ka ng sinasabi ng iba, may tendency na yun ang papakinggan mo.

“Para sa akin as long as okay kayo, yun yung okay.

“Okay kami, sa part namin okay kami.”

Antoinette Jadaone Breaks Silence About James Reid And Nadine Lustre -  YouTube

HEART-TO-HEART TALK. Pagbabahagi sa amin ni Direk Tonet, natuldukan kung anuman ang naging problema nila ng Jadine nang magkaroon sila ng heart-to-heart talk.

Nadine Received Various Reactions For Allegedly Unfollowing Direk Tonet

Dagdag niya, “Naging okay naman after, e.

“Nag-usap kaming tatlo, nag-air kami kung anong issue, with the resolve to do better.

“Nung time na yun na nag-usap kami, sinabi sa amin na ang playdate namin ay March 31.

“E, magandang playdate yun.

“’Pag di natin natapos ng March 31, baka wala na tayo, kasi parating na mga Hollywood movies, mga superheroes.’

“Alam naman natin sa Pilipinas, mas bongga yung mga superhero movies.

“Kahit ako, ayokong pupunta kami ng London na mayroon pang problema.

“After nun, naging okay na, naging open na yung communication after that.

“Feeling ko anuman yung mga nasabi, feeling ko yun yung mga before pa bago nag-usap.

“Apologized? Oo naman.

“Ang nakikita kasi ng mga tao yung bad side lang. Pag resolved na, resolved na.”

Masaya nga ang direktora sa magagandang feedbacks ng pelikula.

“Sobrang happy, sobrang grateful ko sa lahat ng nanood, nagtu-tweet, nagre-review na kahit di namin sinabihan na manood na kaibigan, nanood sila.

“Sobrang natuwa ako sa Never Not Love You.

“Nung nagda-dubbing na kami, nagbabatuhan na kami ng ideas, nung pinapanoof ko yung edit, natuwa talaga ako.

“Mine-message ko sila na ang galing nila sa movie, lalo na si Nadine.

“Si James naman, nakitaan ko na siya kahit dati pa, sensitive talaga siya.

“Sabi ko sa kanya, disadvantage na pogi siya kasi nauuna na, ‘Ay, di magaling umarte. Pogi, e.’

“Pinakanatuwa ako kay Nadine kasi sobrang trinabaho namin like yung sinasabi sa reviews na airport scene, natuwa sila kay Nadine.

“Yun ang pinaka-trinabaho namin na eksena na halos magkainisan na kami kasi 8-9 takes na kami, ‘Hindi teh, mayroon tayong kailangang iiyak dito. Di puwede yung iyak mo sa OTWOL.’ [On The Wings of Love]

“Nung lumalabas yun, natuwa ako, ‘tapos nung na-realize nila na ganun yung reviews, kasi galing sila ng Thailand, dun lang umano sa kanila, ‘Ay, ito yung reviews!’

“Tuwang-tuwa kami sa reviews ng tao.”

BACK TO DIRECTING TELESERYES. Excited at masaya naman si Direk Tonet na ngayon ay balik-serye siya sa Since I Found You.

“Oo. Pag light ang ginagawa ninyo, nata-transcend niya yung material, napupunta siya sa set.

“So kung light lang ang eksena, light lang din ang mga tao, pero siyempre di naman puro light lang.

“Actually, every eksena naman, we’re open kung may inputs yung artista, may input yung production designer.”

Ang Since I Found You ay pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz.

STILL LOOKS UP TO PIOLO. Ayon kay Direk Tonet, walang nagbago sa aktor mula noong una niya itong makatrabaho dati.

“Si Piolo, nakatrabaho ko siya nung first movie ko as script con, 22 or 23 ako.

“Si Piolo saka si Ate Reg [Regine Velasquez] sa Paano Ka Iibigin [2007], tawag ko sa kanya, Sir Piolo.

“Walang pinagbago.

“Kinukuwento ko nga, nung first time kong nakita si Piolo, siyempre straight from college, siya yung artista na nung bumaba siya sa van, tumigil ang mundo ko, parang nag-slowmo.”