Hindi makalimutan ni Sanya Lopez ang paglapit sa kanya ni Joshua Garcia sa red-carpet premiere ng Unbreak My Heart sa TriNoMa noong May 20, 2023, kaya nadagdagan ang paghanga niya sa Kapamilya actor.
Ikinuwento ni Sanya ang anekdota niya tungkol kay Joshua sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.
Lahad ng Kapuso actress, “Una ko siyang nakita sa Unbreak My Heart, sa isang mall. Very genuine. Kinausap niya ako, kasama niya yung relatives niya.
“Sabi niya, ‘Puwede bang magpa-picture?’ Siya yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na, ‘Puwede bang magpa-picture yung family ko?’
“Sabi ko, ‘Oo naman!’ Ako pa yung nahiya sa sarili ko bilang si Joshua na sikat na siya.
“Para gawin niya yon, puwede naman yung mismong kamag-anak niya ang gumawa, siya talaga. Hindi siya nahihiya.
“So, yun pa lang, parang feeling ko magiging okay kami kapag nagkasama. Para wala kaming dull moments.
“Nag-congratulate ako sa kanya, ‘Congratulations po sa Unbreak My Heart ninyo. Ang ganda.’
Naranasan ni Sanya na maging tagahanga ng mga artista kaya alam niya ang pakiramdam ng mga taong napagbibigyan ang kahilingang magpakuha ng litrato na kasama ang mga iniidolong showbiz personality.
Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga artistang hinahangaan ni Sanya noong bata pa siya at naninirahan sa isang bayan ng Bulacan.
Natatandaang mabuti ni Sanya nang makipag-kamay sa kanya si Dingdong na isang dahilan para maging tagahanga siya ng aktor na kasamahan na niya ngayon sa GMA-7.
“Bata pa lang po ako noon. Nagpunta siya sa Bulacan, nagparada si Kuya Dong.
“Hindi ko makalimutan kasi maganda ang ibinigay sa yo. Kapag super fan ka at na-disappoint ka, masakit sobra,” lahad ni Sanya tungkol sa karanasan nito bilang fan.
Sinusuklian din ito ni Sanya ng kabutihan buhat nang maging artista siya.
“Pinagbibigyan ko sila kasi mahirap magsabi ng hindi at yun lang ang mga bagay na maibibigay ko sa kanila. Yun lang ang kaligayahan nila, bihira ka nilang makita.
“May pagkakataong pagod na pagod ka, pero kung hindi naman dahil sa kanila, wala ako dito,” sabi ni Sanya, na nananatili na mapagkumbaba kahit nakagawa na siya ng sariling pangalan sa entertainment industry ng Pilipinas.
News
The Untold Truth Of What Happened To Jean Claude Van Damme
The Untold Truth Of What Happened To Jean Claude Van Damme Jean-Claude Van Damme: The Untold Truth of a Hollywood Icon Jean-Claude Van Damme, often hailed as “The Muscles from Brussels,” achieved global fame in the 1980s and 1990s with…
The muse that has fascinated Joshua Garcia since he was 15 years old
Nagkuwento ang netizen na nag-post ng throwback photo nila ni Joshua Garcia, 25, nang naging partners sila sa Santacruzan sampung taon na ang nakalilipas. Viral ang photo na ipinost ni Reina Carisse Forteza-Abrigonda Siya ay muse sa Santacruzan at naging escort niya ang…
The meeting at the game show between Joshua Garcia and Dingdong Dantes, a test of acting skills (VIDEO)
Team Heart ng ‘Unbreak My Heart,’ nanalo ng PhP200,000 jackpot prize sa game show na ‘Family Feud.’ Bago ang pagsisimula ng pinakaaabangang serye na Unbreak My Heart, nakisaya at nakipagkulitan ang ilang cast ng serye sa Family Feud. Courtesy: GMA Network and…
Sa wakas nagsalita na si Dane, ang babaeng nasa likod ng issue na kinasangkutan ni Joshua Garcia! May mga gusto din klaruhin si Dane tungkol sa issue!
Sa Wakas Nagsalita na si Dane, Ang Babaeng Nasa Likod ng Isyu na Kinasangkutan ni Joshua Garcia Matapos ang mahabang panahon ng katahimikan at espekulasyon, sa wakas ay nagsalita na si Dane, ang babae sa likod ng kontrobersiyang kinasangkutan ng…
Ano nga ba ang maling akala ng halos lahat ng tao tungkol kay Joshua Garcia? Ayon sa Kapamilya actor, ito raw ang madalas na akala sa kanya ng mga tao tuwing napapanood siya sa TV.
Love scene seryoso kayo PEP? Napaka insensitive mga tanong niyo di niyo nalang sabihin sinong artista gusto ko makasex. Sayang! Wala sa tangkad husay gaya ng gymnast Carlos Yulo natin marami awards. Majority ng Pilipino, maliit pero magaling! Parang si…
HIGHLIGHTS | Napatili ang girls sa pagpasok ni Joshua Garcia sa loob ng bahay ni Kuya. Pero pasado kaya ang acting skills nila kay Joshua?(VIDEO)
Naalala ko tuloy noong kabataan ko nung college lyf…dumaan din ako sa harap ng mga babae noon tapos may sumigaw late kana naman!!!labas!!!! Medjo hawig naman kami ni Joshua Garcia lamang lang sya ng limang araw na ligo HAHAHAHAHA (ganyan…
End of content
No more pages to load