Halos walang time si Carlos “Caloy” Yulo dahil gugugulin niya ito sa training.
Kaya nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papayag siya kung sakaling may mag-alok sa kanya na mag-artista o magmodelo, umiling ito.
Natatawa niyang sagot, “Malabo po yun. Mahirap po sigurong i-balance yung practice at yung paglabas sa TV or sa pelikula po.”
Nitong March 5, 2022, personal na nakausap ng writer na ito ang atleta sa ribbon-cutting ceremony ng MVP Sports Foundation Gymnastics Center.
Dugtong niya, “Kasi balak ko po talagang magtuluy-tuloy lang at makalaro ko po yung mga kapatid ko.”
Makalaro saan?
“Sa Olympics po!”
GYMNAST SIBLINGS
Dalawa sa tatlong kapatid ni Caloy ay mga gymnast ding katulad niya at parehong nais sundan ang mga yapak niya bilang kampeon.
Sina Eliza o Iza, 13, at Karl Eldrew, 14.
Ano ang pakiramdam ni Caloy na dalawang kapatid niya ay posible ring maging world-class champions na tulad niya?
“Siyempre natutuwa po na gymnastics din po yung napili nilang sports.”
Ayon pa kay Caloy, kahit anong sports o field ang piliin ng mga kapatid niya ay ipagmamalaki niya, “Proud na proud pa rin naman po ako sa kanila.”
May tsansa bang maging magkalaban sila ng mga kapatid niya sa Olympics?
“Yung isa ko pong kapatid na lalaki may… hindi po laban-laban, siyempre individual po yun. Competition po din po yun.”
Pero posible bang magkalaban sila?
Aniya, “Wala pong problema yun.”
Sa 2028, gaganapin ang Olympics sa Los Angeles, California, USA.
GIRLFRIEND AND CRUSH
Kapag wala siyang training, ano ang ginagawa niya to chill o mag-relax?
“Kausap ko yung girlfriend ko po.”
Magdadalawang taon na sila ng kasintahan niya.
Bilang isang atleta, paano siya naapektuhan ng pandemya?
“Actually, mas nagtuluy-tuloy nga po yung practice ko nung pandemic kasi hindi naman… isang buwan pong nag-lockdown. Pero after naman po nung isang buwan, okay na po, e. Nakakapag-practice na po ako.
“Mas dumami po oras ko sa pagpapa-practice, so wala pong problema about that.”
Sa tanong namin kung sino ang paborito niyang artista, hindi na raw siya nakakapanood ng TV o pelikula. Pero binanggit niya ang KathNiel, ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sino naman ang crush niya?
“Si Blythe po,” sagot ni Caloy, na ang tinutukoy ay ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes.
Maraming may crush kay Caloy, lalo na sa social media, ano ang reaksyon niya roon?
“Hindi ko po alam, e,” tila nahihiyang sagot ni Caloy habang natatawa.
“Kung may mga humahanga po, nakakatuwa naman po, hindi ko rin naman po alam na ganun.”
News
HOT: Nadine Lustre and Carlo “lovely” exchanged intimate looks, are they dating?
In the days leading up to the theatrical release of Irene Villamor’s Ulan, Nadine Lustre fans have put forward theories about what this supernatural romance really is all about. The teasers are, after all, a tad eerie and intriguing to the…
HOT: Nadine Lustre stars in a movie about self-love that involves James
In case you haven’t noticed, on-screen and real-life couple Nadine Lustre and James Reid have been working on separate *gasps* projects recently. James is starring in Miss Granny and Nadine has started shooting for her new film called Ulan. The cast of Ulan includes Nadine, Xian Lim, Marco Gumabao, and AJ Muhlach and…
Discovering the “unusual relationship” between Nadine Lustre and Carlo Aquino
The relationship between Nadine Lustre and Carlo Aquino has become a hot topic recently, as the two famous Filipino stars have been spotted together at various events and joint projects. What draws even more attention is the unusual nature of…
HOT: Nadine Lustre suddenly started dating a famous player for the Los Angeles Lakers
Rumors have surfaced that NBA star Kyle Kuzma is excited to learn that Nadine Lustre, the talented Filipino actress, is still single and has expressed interest in dating her. This news has caught the attention of both media and fans…
Nadine Lustre Takes You To Paris Fashion Week With Vogue Philippines
Switching up her scenery from surfing weekends to busy Parisian streets, award-winning actress and musician Nadine Lustre attends her first Fashion Week, and in Paris no less. Flown in by Emirates, follow her along as she heads to the Spring/Summer 2024 runway shows…
Discovered a Korean actor “crazy” with Nadine Lustre’s charm
Park Min Kyu, known for his role in “Single Inferno 3,” has openly expressed his admiration for Filipino actress Nadine Lustre, describing her as “really beautiful.” The Korean actor shared this sentiment on Instagram, alongside a reel featuring the two…
End of content
No more pages to load