Karylle to ex-boyfriend Dingdong Dantes: “Hi, Sixto. Belated happy birthday.”
PHOTO/S: @ANAKARYLLE INSTAGRAM / ROSE GARCIA FOR PEP.PH
Todo-iwas man noong una, napasubo pa rin si Karylle na banggitin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes.
Nganap ito habang umeere ang It’s Showtime ngayong Martes, August 18.
Si Karylle ang player sa “Mas Testing” segment ng Kapamilya noontime show, at may katanungan siyang hindi nasagot kaya pinatawan siya ng “fun-ishment” o kuwelang parusa.
Sina Vice Ganda at Vhong Navarro ang co-hosts, at contestants sina Randy Santiago at Mitoy Yonting.
Sabi ni Vice Ganda, “Ito ang punishment mo, Karylle: Mag-‘Hi!’ sa isang ex na kilala namin on national television.”
Naiilang na tanong ni Karylle, “Wala naman akong number. Feeling ko blinock ako, e. Tatawagan ko?”
Nilinaw naman nina Vice at Vhong na haharap lang si Karylle sa camera at magbigay ng “greetings” sa ex-boyfriend.
Maya-maya pa ay inamin ni Karylle kung bakit nag-aalangan siya.
“Kinakabahan ako. Baka ma-bash ako mamaya,” ani Karylle.
Sabi pa niya kay Vice, “Kapag binash ako, you got me girl, ha?”
“I got you! I got you!” paniniguro ni Vice.
Klinaro rin ni Vice na parte lang ng “fun-ishment” segment ang gagawing pag-hi ni Karylle sa ex-boyfriend nito.
“Hi lang naman ito. This is just a game. Huwag niyo seseryosohin. Ang may gusto po nito ay yung gumawa ng game. Walang kinalaman si Karylle dito, so wala siyang choice.”
Bago ito ay nilaglag ni Vice si Vhong na siyang pumili raw sa limang options ng “punishment” para kay Karylle.
Para huwag masyadong mahirapan si Karylle ay “Hi!” na lang daw ang sabihin niya at wala nang message.
Ilang beses bumuwelo si Karylle, pero hindi rin niya agad nagawang mag-hi sa ex-boyfriend.
“YUNG MAHIRAP YUNG IBA-BASH AKO MAMAYA.”
Sa puntong ito ay hindi pa rin pinapangalanan ni Karylle kung sinong ex-boyfriend ang tinutukoy niya.
Paliwanag ulit ni Karylle, “Actually, madali lang yung ‘Hi!’ Yung mahirap, yung iba-bash ako mamaya.
“Ibang ex na lang. Kilala ni DJ Mod… Hindi na kailangan buong pangalan.”
Sa halip na tukuyin ang ex-boyfriend niyang kilala ng kanyang co-hosts, ang binanggit ni Karylle ay isang “Mark P.”
“Hi, Mark! Kumusta? Sana okay ka.”
Nang maitawid ni Karylle ang punishment, hirit ni Vice, “Ayan, sinave kita!”
Balik-sagot ni Karylle, “Feeling ko sinave mo kasi uulitin mo sa next [punishment].”
Natatawang tinukso pa ni Vice si Karylle na kailangang galingan niya sa contest dahil “ang susunod na punishment mag-hi sa asawa ng ex.”
Sabi naman ni Karylle, “Kaya ko na! Kasi na-warm up na ako. I’m ready for anything now. Ready na ako kahit sinong hello, tawagan natin, whatever.”
KARYLLE CALLS DINGDONG BY HIS NAME SIXTO
Muling nagkamali si Karylle sa pinahulaan sa kanya sa segment, kaya binigyan ulit siya ng parusa, ang na gupitan ng one-inch ang kanyang bangs.
Habang nakaharap sa salamin at akmang gugupitan ang kanyang bangs, saka nagbigay ng greeting si Karylle para kay Dingdong.
Ani Karylle, “Hi to my ex! Kumusta kayo diyan?”
Hamon ni Vice, “Sige, sabihin mo totoong pangalan ng ex na kilala namin!”
Tinupad naman ni Karylle.
“Hi, Sixto. Belated happy birthday,” tukoy niya kay Dingdong, na ang full name ay Jose Sixto Dantes III.
Si Dingdong ay nagdiwang ng ika-40 kaarawan noong August 2.
Hirit ni Vice, “Taray! Brave girl!”
Balik-sagot ni Karylle, “Happy ka na, Vice?!”
Paglilinaw naman ni Vice, “Friend naman natin sila.”
Pagsang-ayon ni Karylle, “Oo, friend natin sila.”
News
How true?! Kathryn Bernardo hindi raw type si Alden Richards. Naloko ba tayo all this time?
How true?! Kathryn Bernardo hindi raw type si Alden Richards. Naloko ba tayo all this time? May iba umanong gusto si Kathryn Bernardo at hindi nito bet si Alden Richards. Ayon sa source ng entertainment writer na si Reggee Bonoan,…
Kathryn Bernardo Thinks Alden Richards Will Marry First: “He Wants a Baby Already”
Kathryn Bernardo Thinks Alden Richards Will Marry First: “He Wants a Baby Already” Kathryn Bernardo recently revealed that she believes Alden Richards is likely to get married before her, citing his desire to start a family. The two actors, who…
‘KathDen’ is too much, everyone knows it but we don’t know it
Alden Richards made headlines once again as he surprised Kathryn Bernardo with a lavish bouquet and a special gift during her recent birthday celebration. The heartwarming moment, captured in an Instagram story by Bernardo’s friend, quickly went viral, sparking a…
Kathryn Bernardo is being shipped with Alden Richards, Jericho Rosales. The three-way war broke out
IT has been four months since Kathryn Bernardo confirmed the end of an era for one of the country’s most promising loveteam in the Philippine entertainment scene: KathNiel, her reel-to-real loveteam with Daniel Padilla. But it seems that several netizens…
HOT HOT!!!!🔴KATHDEN SPOTTED NAGHAHALIKAN at ALDEN RICHARDS NASA MANSION at BAHAY NI KATHRYN BERNARDO! 🔴
🔴 KATHDEN SPOTTED NAGHAHALIKAN AT ALDEN RICHARDS NASA MANSION AT BAHAY NI KATHRYN BERNARDO! 🔴 Nag-viral na naman ang isang shocking at kilig na balita tungkol sa tambalang KathDen na talaga namang nagpasiklab ng mga puso ng fans! Sa isang…
TRENDING VIDEO: 🔴ALDEN RICHARDS, DINUMOG NG HALIK SI KATHRYN BERNARDO! 🔴
REAKSYON: Alden Richards, Dinumog ng Halik si Kathryn Bernardo! Isang nakakagulat at nakakakilig na pangyayari ang naganap sa isang espesyal na event kung saan si Alden Richards at Kathryn Bernardo ay nakita na magkasama. Hindi inaasahan ng kanilang mga fans…
End of content
No more pages to load